Nanay ng isang aktres, tuloy ang ‘pananakit’ sa anak
Salve Asis (Pilipino Star Ngayon) - January 22, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Bongga raw ang construction business ngayong year of the metal rat ayon sa Chinese calendar.

At ang lucky color, blue, na nagpapakalma ng kahit anong galit.

Ito ang ilan sa sinabi ni Ms. Jean Yu-Chua, isang feng shui expert na naging guest sa Chinese New Year Special, episode 49,  ng no. 1 digital talk show na Take It... Per Minute! (Me Ganun) kahapon ng tanghali, hosted by Manay Lolit Solis, Manay Cristy Fermin and Mr. Fu.

At kung may mga nagbabanta man daw mga negative factor, kailangan lang kontrahin ng mga positive outlook sa buhay para ma-overpower ang mga nega.

Isa pala sa friend ng daga ngayong taon ang unggoy (monkey) kaya lucky ang mga may monkey sign like Manay Cristy.

Eh ang year of the pig ay lucky din, masuwerte dahil friend siya ng daga ayon pa kay Ms. Jean, tulad ni Manay Lolit.

Si Mr. Fu ay horse ang animal sign kaya pinag-iingat siya sa mga taong nakapaligid sa kanya.

Actually, ang dami naming napulot na babala kay Ms. Jean na 40-year old lang as if talagang Chinese kami. Hehehe.

At ang lucky charm na puwede mong gamitin para na makakapagpa-suwerte ay ang majestic crab na pag sinuot mo raw halimbawa ay bracelet, dapat ay facing outward.

Kaya kung ang pakiramdam mo ay merong humihila sa ‘yo na bad energy puwede rin kayong magsuot ng power bracelet.

At lahat daw ng animal sign may positive and negative signs so always look for the positive signs, ‘wag maging negative.

At ang calamity daw natin for this year, may kaugnayan lahat sa water.

Pinaka-the best pa rin ayon kay Ms. Jean na mag-check sa compass para ma-detect mo ang luckiest side na Southeast sector para maka-attract ng maraming money.

Anyway, kung gusto n’yo pang malaman kung ano ang pampa-suwerte at kung ano nga bang magandang sign para kina Vice Ganda, Kathryn Bernardo, James Reid, Nadine Lustre, Coco Martin, at marami pang iba ngayong taon ng mga daga, maki-Team Replay sa Take It... Per Minute (Me Ganun) sa Pilipino Star NGAYON and PSN Latest Chika facebook pages.

Abangan din sa nasabing episode ang kuwento tungkol sa nanay ng isang actress na nanakit sa kanyang anak at hindi pinapagamit ng kotse.

OA daw ang nanay na ito ng actress kaya madalas ang anak dumarating sa taping or shooting na namamaga ang mata at parang walang pahinga.

CHINESE CALENDAR
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with