JaDine
Fans ng JaDine bulag-bulagan pa rin!
TAKE IT TAKE IT - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - January 22, 2020 - 12:00am

True ba na parang namatayan ang JaDine fans dahil nahihirapan ang mga itong tanggapin ang katotohanan na hiwalay na ang kanilang mga idol na sina James Reid at Nadine Lustre?

Kung talagang hiwalay na raw sina James at Nadine, bakit magkasama pa raw sila noong Bisperas ng Bagong Taon sa Mount Ulap at nag-pictorial pa sa Brazil?

Ang ending, naglabas sila ng ‘split’ statement at nagkasundo na maging magkaibigan na lamang sila na palagay ko puwede naman na madalas na makita na magkasama ang dating magkakarelasyon lalo na kung totoong maayos ang paghihiwalay nila.

Pero siyempre, may fans na bulag, pipi at bingi sa katotohanan.

Sila ang mga tagahanga na ipinagpipilitan na gimik lamang ang James-Nadine break-up para umingay daw nang husto ang television project na pagsasamahan ni James at ng Korean singer-actress na si Nancy McDonie ang pangalan na hindi ko naman kilala kung sino ‘yun.

Kesehodang binasa ni Boy Abunda sa TV ang official joint statement ng JaDine, ang   paniniwala pa rin nila ang pinaniniwalaan ng blinded fans at wala na tayong magagawa kung ganoon ang kanilang attitude.

No comment pa raw si Issa Pressman sa pagkakasangkot ng pangalan niya sa break up nina James at Nadine.

Di ko kilala si Issa pero ang balita, nagbabakasyon ito sa Amsterdam sa kasalukuyan.

Self-confessed bisexual si Issa ‘di ba na ex-girlfriend ni Derrick Mo­nastero. Nagkaroon na rin si Issa ng same-sex relationship sa singer na si Marga Bermudez pero matagal na silang hiwalay.

Eh ‘di kung hiwalay sila, ok lang. Basta kung saan sila maligaya, sundin nila.

Nasa tamang edad na sila para malaman ang kanilang ginagawa.

‘Payong kapatid…’

Hindi ko talaga gusto na sumali sa munting gulo na nagaganap sa pagitan ng mabait kong friend ng Beautéderm na si Rhea Tan.

Dapat kasi ‘pag naging magkasama kayo at naging mabait ang pakikisama sa iyo at nagkaroon ng drift away, dapat maging maayos ang hiwalayan. Wala na dapat na bad blood o sumbatan.

Ang bait na tao ni Rhea Tan kaya nga siguro sa konting panahon ay naging maingay at kilala ang mga produkto niya. Mahusay siyang kausap kaya gustung-gusto siya ng mga endorser niya at ng press.

Huwag na sanang palakihin pa at gawing dirty fight ito ng isang dati niyang pinagkakatiwalaan.

Breach of confidence and abuse is a losing fight. Saka how can you win against Rhea Tan of Beautéderm na darling ng lahat ngayon? Siguro more than the money, iyong friendship at love na nawala ang mas pinanghihinayangan mo in this case. So be it, ayaw na sa iyo, tigil na, face the reality na may nagawa kang mga kamalian.

Tigilan na iyong mga threat, panunumbat at paggawa pa ng issues. Look back and be grateful for the days na naging confidante ka ni Rhea Tan ng Beautéderm.

Dapat tahimik na Shyr Valdez, tigilan na natin iyong mga nakadagdag pa sa issues. Actually dapat hindi na dapat ito lumaki at wala naman nakapansin, pero bakit pati sina Glydel Mercado at Lorna Tolentino kinukulit mo. Out sila rito, kaya tigilan mo at tigilan mo na rin si Rhea Tan.

Make a quiet exit, mas hindi pa lalaki ang sunog. Iwasan mo na maging bushfire ito, ayaw ng Taal volcano. Huwag ka nang makipag-agawan ng eksena. Payong kapatid Shyr Valdez.

JAMES REID NADINE LUSTRE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with