Vice
Last taping day na nga ba? GGV ni Vice tsutsugihin na?!
SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula (Pilipino Star Ngayon) - January 22, 2020 - 12:00am

Nagsimula nang kumalat ang kuwentong malapit na raw tsugihin ang Gandang Gabi Vice na napapanood tuwing Linggo ng gabi.

Katapat ito ng The Boobay and Tekla Show ng GMA-7 na madalas ay natatalo raw ito sa ratings.

Wala pa naman kaming nakuhang kumpirmas­yon sa ilang taong involved sa show dahil hindi ako sinagot nang tanungin namin ito sa kanila.

Pero ang latest na nabalitaan pa namin, ngayong week na raw ang huling taping ng naturang celebrity talk show.

Ang dagdag pang tsismis, isang musical show daw ang ipapalit sa naturang programa.

Kung papalitan ang programa ni Vice Ganda, ang isa pang nabalitaan namin ay iri-reformat naman daw ang Dear Uge ni Eugene Domingo.

Starting this coming Sunday ay ibang Dear Uge na raw ang mapapanood natin.

Samantala, masaya naman ang mga fans ni Alden Richards dahil sa gagawin nitong musical game show na pinamagatang Centerstage.

Parang singing competition din ito, pero mga bata ang mga kasali at excited daw ang Asia’s Multimedia Star dahil sa magkakaroon daw siya ng chance na maka-interact ang mga batang magaga­ling at may talent sa pagkanta.

Co-host ni Alden dito ang kaibigan niyang si Betong Sumaya at judges naman sina Pops Fernandez, Mel Villena at Aicelle Santos.

Dagdag pang excitement kay Alden ay consistent pa ring mataas ang All-Out Sundays.

Ang ganda ng rating nito nung nakaraang Linggo na nakakuha ng 5.3 percent ayon sa AGB-NUTAM.

Kapatid ni Yassi na ex ng tibo idinidiin sa James at Nadine split

Hindi na galit o anong pang-aalipusta ang nababasa mo ngayon sa fans nina James Reid at Nadine Lustre, dahil kinumpirma na mismo ng dalawa na break na nga sila.

May ilang nagpu-post ng video ng dalawa na in-edit pa raw iyun ni Nadine.

Karamihan naman ay tinatanggap na ang nangyari, pero very positive silang magkakabalikan din ang dalawa.

Tweet ng isang netizens; “Love doesn’t conquer all, and the reality is, not everyone gets to hold on to the love of their lives.

“But I hope you’re just taking a breather, and you’ll find your way back to each other’s arms---where you rightfully belong .”

Malungkot ang karamihang tweets sa hashtag #Jadine at sinasabi ng ilang itong loveteam ang first at last daw na susuportahan nila.

Pero may ilang nagti-tweet naman doon na inili-link ngayon si James kay Issa Pressman.

May nag-post ng video na magkasama ang dalawa sa isang bar.

Merong isang nag-tweet na nagngangalang Jaia Garcua Carballo na isang item tungkol kina James at Issa.

Ang caption ay “James and Issa, how true???”

In-attach ang kuwentong nangyari sa bar na kung saan namataan sina James at Issa kasama rin si Yassi Pressman at ang boyfriend nito.

Ang sabi; “He looks so drunk na agad umaarteng drunk to think na 15mins ago he looks behaved with Nadine. May tumawag sa kanya sa DJ’s booth lumapit siya. Ilang minute he went back sa lugar nila Issa happens to be near us, as in tabi lang. Euric said where’s Nadine…leave her for Issa…They they all laugh, inakbayan siya ni Issa then inakbayan din siya intentionally they feel half body bended, around mga nakatayo zonlee, euric, nix, raffy, and bf ni yassi they back hug position while ½ body bended Issa turned her face to James and they kissed.

“Nun I video dapat someone tapped the phone said NO VIDEO, IT WAS YASSI!!!

“Then she called the attention of James & Issa tapping James’ butt. They stopped, sinabi ni Yassi sa 2 someone is taking a video. Tapos sinabi ni Yassi kay Euric, lumapit si Euric asking for the video. Hurried went outside Revel. After 1-15 minutes went back inside. Medyo distance na.

“James was at DJs booth malikot mata ni kuya as if he’s looking sa nag-video, then tinawag na niya si Zonlee.”

Samantala, nabalitaan din naming hindi raw nagustuhan ni Nadine ang pakikipag-partner ni James kay Nancy McDonie ng Momoland.

In-announce din naman ng ABS-CBN 2 na tuloy ang programang pagsasamahan ng dalawa.

GANDANG GABI VICE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with