^

PSN Showbiz

Matapos mag-abroad na magkasama.. ‘Split statement’ nina Nadine at James, hindi kapani-paniwala!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pilipino Star Ngayon
Matapos mag-abroad na magkasama.. �Split statement� nina Nadine at James, hindi kapani-paniwala!
Nancy

Sorry, hindi namin kinakagat ang “split statement” na pinalabas jointly nina Nadine Lustre at James Reid.

Isipin ninyo, kagagaling lang nilang dalawa para sa isang bakas­yon sa abroad (Brazil), huwag naman ninyong sabihin na nag-abroad pa sila para gawin lang pormal ang kanilang split?

Totoo naman nag-split na sila, pero ang ending nagbalikan din pagkatapos ng ilang araw.

May duda kami kasi mukhang talagang may hinihintay na timing. Kasi lumabas din ang statement matapos na lumabas muna ang tsismis na diumano kahit na harap-harapan niloloko lang ni James si Nadine. May naglabas pa ng proof, parang picture iyon sa isang party kung saan naroroon sina James at Nadine, at habang nakatalikod si Nadine, si James ay nakikipaghalikan naman sa isa pang babae, na kinilala ng nagkakalat ng picture sa social media na si Issa Pressman, na kapatid ni Yassi Pressman.

May duda rin kami roon, dahil ilang buwan lang yata ang nakararaan, nag-out ‘yang si Issa Pressman na siya ay isang lesbian, at iniharap pa sa publiko ang kanyang girlfriend na kinilalang si Marga Bermudez.

Hindi natin sinasabing hindi totoo ang pictures, dahil nakikita naman. Pero iyang mga kabataan sa ngayon normal na yata iyang ganyang halikan sa mga party, maski nga sa bars, makikita mo lantaran na sila kung maghalikan, at bale wala sa kanila iyon.

Kung may gagawin ba namang milagro si James, bakit sa isang self confessed lesbian pa?

Ano ang tingin namin? Lahat halos ay nagsasabing doomed na ang kanilang love team. May fans pero wala na talagang patutunguhan. Alam din naman nila iyan, na pareho nang malamig ang kanilang career kaya siguro nga sinusubukan nila ang publiko.

Noong sabihin nila na on silang dalawa at nagkailang nag-split, hindi rin naman sumabog eh. Parang hindi napansin.

Ang offer kay James, tumambal doon sa Korean singer na Nancy daw ang pangalan na member ng grupong Momoland na ang balita ay dito lang naman sa atin sikat.

Kay Nadine ang lahat halos ng project noong nakaraang taon pa, wala si James. Kaya umabot iyan sa isang joint statement ng isang split.

Pero hindi namin pinaniniwalaan iyan. Baka nga split sa ngayon pero pagkatapos ng ilang araw magkasama na naman, na siyempre ang excuse “we remain to be friends”.

Hindi kami nagka-edad sa showbusiness para lang kumagat sa mga ganyang bagay.

Mga magulang ni Jolina hindi pa rin bumabalik sa bahay sa tagaytay

Nagka-chat kami ng tatay ni Jolina Magdangal na si Jun Magdangal.

Hanggang ngayon narito pala sila sa Quezon City. Hindi pa nila binabalikan ang kanilang bahay at restaurant sa Tagaytay, kahit na nga kinukumbinsi silang magbukas. Ang alam daw kasi niya, napakalakas pa ng amoy ng sulfur sa hangin na hindi mabuti para sa mga tao.

Medyo malungkot sila siyempre, dahil nasira ang kanilang negosyo. Hindi rin daw niya alam kung may nasira ba o ano ang kalalabasan ng kanilang property pagkatapos na linisin.

Marami kasing properties na matapos linisan, lumalabas ang maraming damage. Pero naniniwala naman siyang mailalagay pa rin niya sa ayos ang lahat ng iyon.

Female star hindi matanggap na pinagsawaan na ng boyfriend!

Mas tanggap daw ng female star na sumasama sa mga bading ang kanyang boyfriend, dahil alam niyang pera lang ang dahilan noon. Kahit nga raw sa matrona ok lang eh, pero pag magandang babae, sexy at bata hindi na niya kaya iyon. Maliwanag naman kasi ang ibig sabihin noon, sawa na ang boyfriend niya sa kanya.

Aba, eh isinuko niya ang Bataan kahit malayo pa ang April 9, ano ang aasahan mo?

vuukle comment

JAMES REID

NADINE LUSTRE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with