Korean movie na Parasite kinabog ang mga Hollywood film
Salve Asis (Pilipino Star Ngayon) - January 21, 2020 - 12:00am

Pelikulang Tagalog tuluyan nang napag-iwanan

MANILA, Philippines — Ang Korean movie na Parasite ang nanalong Best Motion Picture Cast sa ginanap na 26th Screen Actors Guild Awards sa Amerika, na nagsilbing kauna-unahang foreign language film na nanalo ng top prize.

Sign na rin kaya ito na ang Parasite na rin ang magiging kauna-unahang Asian movie na mananalo ng Best Motion Picture sa Oscars?

Makikipag-salpukan ang Parasite sa Best motion picture of the year sa Oscars ang Ford V Ferrari, The Irishman, Jojo Rabbit, Joker, Little Women, Marriage Story and Once Upon A Time... In Hollywood.

Nauna nang nakalaban ng Parasite sa SAG ang mga biga­ting Hollywood film sa Outstanding Performance by a Cast in a Motion Picture :

Bombshell (Lionsgate)

The Irishman (Netflix)

Jojo Rabbit (Fox)

Once Upon a Time in Hollywood (Sony)

Nanalong Outstanding Performance by a Female Actor in a Leading Role si  Renée Zellweger for the movie Judy at Outstanding Performance by a Male Actor in a Leading Role si Joaquin Phoenix (Joker).

Grabe hindi na lang sa music world naka-penetrate worldwide ang Koreans, kinikilala na rin ang mga pelikula nila ng international award giving bodies at malamang susunod na ang mga Korean dramas nila na kinaaliwan ding panoorin ng Pinoy fans.

Kailangan na talagang tantanan ng mga local producer ang laging dialogue na para sa millennial ang ginagawa nilang pelikula.

Dapat sigurong international market naman ang maging target nila pero ‘wag naman sanang poverty porn ang gamitin nilang subject o ibentang kuwento ng pelikulang Tagalog sa ibang bansa. At ang importante ‘wag mangopya ng story.

At siyempre naikonek din ng K drama fans na malamang daw aware ang Korean government kung gaano ka-hooked ang mga Pinoy sa mga Korean drama, music, food etc. kaya nag-donate ang Korean government ng $200,000 o almost P10,000,000 sa Philippine peso, para sa mga biktima ng bulkang Taal.

Puwede naman. Saka kung tutuusin ang dami na ring mga lugar dito sa atin na talagang occupied na ng Koreans. Sa mga mall nga lang, marami ka nang makakasabay na Koreans.

PARASITE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with