Erik, Zephanie at Yeng iniyakan ng mga bakwit nang kumanta
TAKE IT TAKE IT - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - January 21, 2020 - 12:00am

Natuwa ang evacuees sa Alfonso, Cavite nang dalawin sila ni Senator Bong Revilla, Jr. noong nakaraang linggo.

Isa ang bayan ng Alfonso sa mga pinuntahan ng mga kababayan natin na naapektuhan ng pagsabog ng Taal Volcano noong January 12.

Kalapit lamang ng Tagaytay City ang Alfonso pero hindi ito masyadong apektado ng ashfall na ibinuga ng bulkan.

Nagdala si Bong ng relief goods sa evacuation centers kaya tuwang-tuwa at lubos ang pasasalamat sa kanya ng mga nabigyan niya ng tulong.

Sa ngayon, tahimik at kalmado ang Taal Volcano pero hindi tayo dapat maging kampante dahil any moment, baka mag-alburoto uli ang bulkan.

Nagbukas noong Biyernes ang mga restaurant sa Tagaytay City pero muli itong ipinasara kahapon dahil nakataas pa ang Alert 4 sa Taal Volcano.

Bukod kay Bong, nagdala rin ng tulong ang businesswoman na si Pinky Tobiano Robles sa mga nasalanta ng bulkang Taal. Kuwento ni Picky, na-touch daw siya talaga nang pumunta sila sa Taal. 

Imagine mo na halos 10,000 evacuees na dinalhan nila ng hygiene kit at pagkain na umiyak pa raw nang kumanta sila Erik Santos, Zephanie at Yeng Constantino.

Talaga raw iyakan ang mga matatanda habang nakikinig sa mga kanta nila Erik, Zephanie at Yeng. Dun nasabi na Pinky na bukod siguro sa mga tulong na pagkain, dapat meron din emotional support ang evacuees.

Siguro nga hindi lang pagkain ang kailangan mo, kailangan din ang pep talk, guidance sa evacuees.

Kaya nga marami tayong singers and stars ang maaring tumulong sa emotional therapy ng mga nasalanta.

Go there and give them some of your time with your songs and presence. Thank you Pinky for sharing this idea.

Mga artistang may bahay sa Tagaytay, ramdam pa ang epekto ng ashfall

May mga artista na may-bahay sa Tagaytay City at ramdam nila ang effect ng pagsabog ng Taal Volcano.

May bahay sa Tagaytay City sina Willie Revillame, ang mag-asawang Gelli de Belen at Ariel Rivera, ang pamilya nina Jolina Magdangal at ang pamilya ni Derek Ramsay.

May bahay rin sa Alfonso, Cavite si Boy Abunda pero sa awa ng Diyos, hindi ito naapektuhan ng ashfall.

May restaurant ang Villar family sa Crosswinds, ang Voi La na dinarayo dahil sa masasarap na pagkain pero isinara rin.

Sana nga, maging mapayapa na ang Taal Volcano para maging normal na uli ang pamumuhay ng mga kababayan natin sa Cavite at Batangas.

Willie nagbago ang plano sa birthday 

Nag-renew kahapon ng kontrata sa GMA Network Inc. si Willie Revillame kaya tuloy ang paghahatid niya ng saya sa pamamagitan ng kanyang top-rating game show sa GMA 7, ang Wowowin.

Sa Lunes, January 27 ang birthday ni Willie at live na mapapanood ang Wowowin para sa mga kababayan natin na nasalanta ng Taal Volcano eruption.

Ang mamigay ng dalawang bahay sa viewers ng Wowowin ang original plan ni Willie pero nagbago ang kanyang balak dahil sa pagputok ng Taal Volcano. 

TAAL VOLCANO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with