_ngayon
^

PSN Showbiz

Aicelle at Mark susubukan agad makabuo ng baby sa honeymoon

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Aicelle at Mark susubukan agad makabuo ng baby sa honeymoon
Aicelle, Mark

Pagkatapos ng 1 for 3 concert ni Aicelle Santos kasama sina Christian Bautista at Mark Bautista, tuloy na raw ang honeymoon nila ni Mark Zambrano na hindi pa matuluy-tuloy dahil nga sa rami ng kanilang ginagawa.

Nung nagpi-prepare pa lang daw kasi siya ng wedding nila ni Mark ay pumasok itong concert na gustong pagsamahan nilang tatlo at sila rin ang magpu-produce. Kaya dito raw muna sila nakatutok.

Pagkatapos nito ay isasantabi raw muna niya ang trabaho dahil medyo matatagalan daw ang honeymoon nila sa Japan dahil balak daw nilang i-experience ang Sakura season.

Sina-suggest nga namin kay Aicelle na subukan nilang i-experience ang Kanamara Matsuri o ang Penis Festival na halos kasabay nito ang Cherry blossom.

Hindi raw niya alam iyun at baka tatakpan lang daw ni Mark ang mata niya kapag nakaparada na ang mga iba’t ibang sizes ng penis na ginagawa ng mga Hapon doon.

Basta ang hiling lang ni Aicelle na makabuo sila sa honeymoon na iyun dahil gusto na raw niyang magka-baby ngayong taon.

Kapag mabuntis nga siya ay willing siyang i-sacrifice ang trabaho dahil mag-focus muna siya sa kanilang magiging baby.

“Yes. If it’s about family and raising my baby, siguro magli-lay low.

“Gusto siyempre bumalik, because this is my means of income, my passion. It’s nice to always go back. Sana ibigay ni Lord this year.

“Gusto ko talaga tutok ka sa baby eh,” pahayag ni Aicelle nang nakatsikahan namin sa mediacon ng concert nilang 1 for 3 na gaganapin sa The Theatre at Solaire sa February 1.

Kung si Aicelle ang masusunod, gusto raw niya dalawang baby lang sila ni Mark.

“If God permits, sana puwedeng kambal para isang labasan na lang,” napapangiti niyang sagot sa amin.

Pero na kay Lord na raw kung ilan talaga ang magiging supling nila.

Sa ngayon ay nasa adjustment period pa rin sila at kinikilig pa nga raw siya kapag tinatawag siyang ‘Mrs. Zambrano’. “Kinikilig pa rin ako pag tinatawag akong Mrs. Zambrano eh,” pakli niya.

“It’s fun. May mga adjustment. May mga bagay na nakikita mo na ‘di mo nakikita before. But so far, okay kami. We’re good. Wala pa kaming source of away,” dagdag niyang pahayag.

AICELLE SANTOS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with