^

PSN Showbiz

Janella at Markus hiwalay na?!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon
Janella at Markus hiwalay na?!
Janella

Maja nagsalita tungkol kila Joshua

May mga nag-react sa pagpu-push ni Maja Salvador kina Joshua Garcia at Janella Salvador dahil ang alam ng marami, taken na si Janella at BF na nga nito si Markus Paterson. Sigurado silang alam ito ni Maja, kaya bakit daw pinu-push sila ni Maja?

Baka ang mangyari nito, baka i-unfollow na rin ni Julia si Maja dahil nasa “unfollow your friends on IG spree” si Julia ngayon.

In-unfollow na rin ni Julia ang friend niyang si Janella dahil siguro nakarating na rito ang tsika kina Janella at Joshua.

Nagbiro pa si Maja sa party ng The Killer Bride na ma-a-unfollow siya sa kanyang ginagawa at nagtawanan ang mga nasa party sa sinabi ni Maja at hindi dahil sa ginawa ni Julia.

Anyway, alam din siguro ni Joshua na may BF na si Janella, kaya tanong uli ng netizens, bakit nagpapa-cute siya kay Janella? Naku, si Joshua lang ang makakasagot nito, mga ineng!

Thea may diploma na rin

Malapit nang madagdagan ang Kapuso stars na graduate at may diploma dahil sa March, ga-graduate na si Thea Tolentino ng Public Administration sa Trinity University of Asia at excited na ang aktres na magsuot ng toga, umakyat ng stage at tanggapin ang diploma.

Sobrang proud si Thea na finally may college diploma na siya dahil inabot siya ng five years bago matapos ang kurso. Isinabay niya kasi ang pag-aaral sa showbiz career niya at ang teleserye niyang Madrasta.

Gustuhin man ni Thea na i-practice ang kurso, malabong mangyari dahil busy siya sa showbiz at ipinauna na nitong hindi siya papasok sa pulitika. Gusto lang niya ang kurso at may matapos para may maipagmalaki sa parents niya.

Anyway, natanong si Thea kung wala ba siyang dream na maging bida dahil puro kontrabida roles ang ginagawa at hindi lang kontrabida, pumapatay pa ng tao. Dito nga sa Madrasta, ilang tao na ang napatay niya at ilang tao na rin ang pinagtangkaang patayin.

Maganda ang sagot ni Thea na gusto rin niyang magbida, kaya lang, sa pagiging kontrabida siya tinanggap ng viewers, dito siya may trabaho.

“Gusto ko rin naman ang kontrabida roles dahil ang daming puwedeng gawin sa bad girl role. Saka, ang maging bad ang hinihiling kay Katharine (role niya) sa Madrasta, kaya ibigay na natin,” sabi ni Thea.

vuukle comment

JANELLA SALVADOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with