Julia
Julia binura na ang mga souvenir nila ni Joshua!
SHOW-MY - Salve Asis (Pilipino Star Ngayon) - January 20, 2020 - 12:00am

Makatulong kaya sa ipalalabas na pelikula nina Julia Barretto at Joshua Garcia ang pagbubura ng una sa kanilang photos ni Joshua sa Instagram?

Deleted na ngang lahat ang mga souvenir photos nila sa kanilang naging relationship. Wala na ngang memories sa social media ni Julia si Joshua.

Napansin ang paglilinis na ginawa ni Julia ng kanyang IG kahapon nang mabawasan ang kanyang number of posts.

Affected nga ba si Julia sa sinasabing totohanan na raw nina Joshua and Janella Salvador na nagkatrabaho sa nagtapos na The Killer Bride? Though alam sa showbiz na may MU (mutual understanding) sina Janella and Markus Paterson na nauna na rin namang inamin ni Janella.

Bukod sa memories ng naging relationship nila ni Joshua at mga naging trabaho nila, winalis na rin ni Julia ang photos nila ni Gerald Anderson nung gawin nila ang pelikulang Between Maybes na pinag-ugatan ng isyu ng ghosting diumano ni Gerald sa girlfriend nitong si Bea Alonzo.

Nang i-check namin ang IG account ni Joshua ay posted pa ang ilang photos nila ni Julia. Magbura rin kaya siya?

Maging si Gerald ay hindi pa rin binubura ang memories nila ng actress.

Ang duda ng iba, baka may bagong ipa-partner kay Julia o new loveteam kaya kailangan niyang maglinis ng social media para fresh ang umpisa ng lahat.

Hindi naman siguro si Tony Labrusca na ka-partner ni Julia sa isang project sa iWant.

JULIA BARRETTO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with