Jiro
‘Jiro kailangang tulungan ang sarili!’
TAKE IT TAKE IT - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - January 20, 2020 - 12:00am

Ngayong gabi ang red carpet premiere ng D’Ninang sa Cinema 7 ng SM Megamall.

Lead actress ng D’Ninang si AiAi Delas Alas na tiyak na tatanungin ng entertainment press tungkol sa opinyon niya sa kaso na isinampa ng Marikina Police laban kay Jiro Manio.

Anak-anakan ni AiAi si Jiro at unang beses silang nagka-trabaho sa blockbuster movie na Ang Tanging Ina.

Alam din ng buong showbiz na si AiAi ang tumulong kay Jiro na maipasok ito sa rehabilitation center noong 2015 hanggang 2018 pero nag-decide si Jiro na lumabas sa rehab center sa Bataan kaya nawalan na sila ni AiAi ng komunikasyon.

Naalala ko ring nadismaya si AiAi nang malaman niya na gumagamit ng marijuana si Jiro kaya pinutol na niya ang pakikipag-ugnayan sa former child actor.

Kung tutuusin maraming beses na tinulungan ni AiAi si Jiro pero hindi ito nagbago at hindi nakapagtataka dahil malimit siya na magkaroon ng depression.

It’s about time na tulungan naman ni Jiro ang sarili dahil may sariling buhay at pamilya si AiAi na dapat asikasuhin.

Pero kung talagang hindi nawawala ang depression ni Jiro, professional help ang kailangan niya. Dapat na ibalik siya sa rehab center dahil gumaling naman daw ang dating child actor sa halos dalawang taon na pamamalagi niya sa rehabilitation center sa Bataan.

Kung anuman ang mangyari sa frustrated homicide case ni Jiro, mabigyan pa rin sana siya ng chance na makapagbagong-buhay na posibleng mangyari kung gugustuhin niya.

Jeric tinangging may GF

Nag-deny pala sina Jeric Gonzales at Sheryl Cruz tungkol sa kanilang rumored relationship na ang sabi ay nakatulong para mapag-usapan ang kanilang afternoon serye sa GMA 7 na Magkaagaw.

Sa interview ng alaga ni Joe Barrameda na si Jeric sa 24 Oras, sinabi niyang natawa siya nang mabasa niya ang mga naglabasang issue na naghiwalay sila ng kanyang girlfriend dahil nahuli nito ang sweet text message ni Sheryl.

Idinenay ni Jeric ang balita na lumabas dahil paano raw sila maghihiwalay eh wala naman siyang girlfriend.

Kaloka naman. Hayaan na natin sila. Basta ang importante nakakatulong ang issue sa Magkaagaw.

JIRO MANIO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with