JC excited nang maging daddy!
SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - January 20, 2020 - 12:00am

Sa susunod na buwan ay magiging isang ama na si JC Santos dahil walong buwan nang buntis ngayon ang kanyang non-showbiz girlfriend. Sobrang excited na raw na makita ng aktor ang kanilang baby girl ng kasintahan.  “Gusto kong alagaan agad,” nakangiting pagtatapat ni JC.

Samantala, muling magbibida ang aktor at si Bela Padilla sa pelikulang On Vodka, Beers and Regrets na ipalalabas sa mga sinehan simula February 5. Ayon kay JC ay hindi na sila nagkakaroon ng ilangan ng aktres dahil ilang beses na rin silang nakapagtambal sa mga pelikula at telebisyon. “Naubos na po ‘yung ilangan namin, wala na po. Kumbaga ang gagawin na lang po namin talaga is i-serve ‘yung script ni Direk Irene (Villamor), hahayaan na lang niya kami ni Bela. Umabot na kami doon sa ganoong working level, na kahit wala na ka­ming script at magkasama kami, basta alam namin ‘yung parameters, game na,” paliwanag ng aktor.

Yves, gusto uling mag-aral

Si Yves Flores ang tumatayong breadwinner sa kanilang pamilya. Retired teacher ang ama ng aktor habang ang ina naman ay nagtuturo pa rin sa isang elementary school sa Pampanga. Si Yves na ang nagpapa-aral sa nakababatang kapatid na babae ngayon.

“Kumukuha siya ng Medicine sa Angeles City University so sa akin din ‘yon. Akin lahat ‘yon pati sa needs sa bahay. Mahirap siya financially lalo na ‘pag madalang ‘yung taping, pero masarap sa feeling lalo na ‘pag nakikita mo ‘yung kapatid mo ngayon na scholar. Forty percent na lang ‘yung binabayaran ko. Siyempre malaki ring tulong ‘yon di ba? Alam ko naman na darating ‘yung araw na makakabawi rin naman siya. Hindi ko naman hinihingi ‘yon pero alam ko balang araw matutulungan  niya rin ‘yung pamilya namin. Para sa amin din naman ‘yon kasi dalawa lang din naman kaming magkapatid,” pagbabahagi ni Yves.

Kung mabibigyan ng pagkakataon ay gustong ipagpatuloy ng aktor ang kanyang pag-aaral. Nasa third year college na dapat si Yves sa kursong Operational Management pero kinailangan niyang tumigil dahil sa kabi-kabilang trabaho. “Sayang kasi ‘yung trabaho pero gusto kong tapusin. Nagkakataon lang na kapag mag-e-enroll na ako biglang may trabaho so wala na. ‘Yung Monday to Friday ko wala na, hirap ding isingit kasi eh. Gusto ko ring mag-I.T. (Information Technology), Culinary, dalawa talaga ‘yung gusto ko. I.T. kasi magaling ako sa computer, Culinary naman, hindi ako nagluluto pero kapag nakakapanood ako ng mga cooking show naaaliw ako at gusto kong gawin ‘yung ginagawa nila,” paliwanag ng aktor.

Isa si Yves sa mga bida ng teleser­yeng A Soldier’s Heart na magsisimula na mamayang gabi sa Kapamilya network.  (Reports from JCC)

JC SANTOS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with