^

PSN Showbiz

Kapamilya Supertars hinihintay pumirma petition para sa franchise ng ABS-CBN nag-iipon ng 1 million signature

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Kapamilya Supertars hinihintay pumirma petition para sa franchise ng ABS-CBN nag-iipon ng 1 million signature
Gerald

May naganap palang Black Friday protest ang National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) last Friday night para iapela sa gobyerno na ‘wag harangin ang renewal ng franchise ng ABS-CBN.

Sa harap mismo ng ABS-CBN ang unang assembly point ng organization pero sa Boy Scout Circle sila nagkita-kita nung Biyernes ng gabi.

Mga media practitioner ang nakisali sa nasabing Black Friday protest na may pa hashtags na #NoToABSCBNShutDown #DefendPressFreedom.

Ngayon ay may umiikot nang petition ang NUJP na ang target ay makakalap ng 1 million signatures.

“We call on Congress to do what is right and immediately pass the bill to renew ABS-CBN’s franchise,” ang bahagi ng petition letter nila na nasa social media.

As of press time, 1,573 pa lang ang nakita kong nakapirma.

Obviously, hindi pa aware sa nasabing petition ang fans ng mga superstar ng ABS-CBN tulad nina Coco Martin, KathNiel, LizQuen, Sarah Geronimo, Anne Curtis, Vice Ganda, JaDine, Kim Chiu, at marami pang iba na milyon-milyon ang fans/followers.

Siguradong pag nalaman nila ito, baka lumampas sa isang milyon ang makolekta nilang signature.

Ang change.org ang organizer ng 1M signatures for ABS-CBN franchise renewal.

Ilang beses nang binanggit ni Pres. Duterte na haharangin niya ang renewal ng franchise ng Kapamilya Network na nakatakdang mag-expire sa March 20, 2020.

As of this writing din ay wala pang nakikitang nakapirmang Kapamilya celebrities.

Anyway, ayon naman sa bida ng A Soldier’s Heart na si Gerald Anderson, hoping siya na maging maayos ang franchise ng kanilang network. Pero aniya, kung anuman ang maging desisyon ni Pangulong Duterte, dapat pa rin nating respetuhin. “Takot. Hmmm, medyo wala na akong say dun. Pero sana magiging maayos,” pahayag ni Gerald nang matanong namin after the press preview ng A Soldier’s Heart kung nate-tension na ba siya dahil sakaling magkatotoo ang sinasabi ng pangulo ng bansa, maapektuhan ang ipapalabas pa lang niyang serye na two years in the making. “Respetuhin natin kung anong magiging desisyon niya. But at the end of the day sana lahat may trabaho pa rin sa ABS-CBN... pero at the end of the day siya pa rin ang presidente natin so respetuhin pa rin kung anuman ‘yun,” sabi pa ng aktor na obvious na nakabangon na sa issue ng ghosting kay Bea Alonzo and Julia Barretto. 

Mag-uumpisang mapanood ang A Soldier’s Heart sa January 20, Monday.

vuukle comment

GERALD ANDERSON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with