^

PSN Showbiz

Rachelle Ann, one year hinanap ang bahay na nabili sa London

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Rachelle Ann, one year hinanap ang bahay na nabili sa London
Martin at Rachelle

Nakapagpundar na ng bagong bahay si Rachelle Ann Go at asawang si Martin Spies sa London. Ayon sa singer ay umabot ng isang taon bago pa nakahanap silang mag-asawa ng isang magandang property.

“Ako ‘yung nagre-research during the morning. Iyon ‘yung ginawa ko for a year, hanap nang hanap ng bahay, tapos may maganda, I will show it to the husband. So when we saw this house, we viewed it on a Sunday. Sabi niya, ‘This is the one, this is it.’ Mahirap pala, mahirap bumili doon. It is not easy because of Brexit as well. Ang daming paperworks na kailangan and talagang alam mo ang prayers talaga sobrang powerful. Sobrang bait ni Lord kasi hindi ko naman akalain na makakabili ako ng bahay doon. Kasi mahirap talaga maghanap and nakatiyempo talaga kami,” nakangiting kwento ni Rachelle Ann.

Sa deskripsyon ng singer ay may kalakihan ang bahay na kanilang nabili sa London. Matatandaang nagpakasal sina Rachelle Ann at Martin noong 2018 at ngayon ay mukhang may plano nang bumuo ng sariling pamilya. “We really prayed for two-bedroom house pero itong house na ‘to parang four-bedroom, three-bedroom and a study room. Naka-bonus pa nga eh, tapos may garden which that’s actually my husband’s priority. Kasi he is South African and he loves to grill,” pagbabahagi ng singer.

Sa ngayon ay wala pang mga gamit sa bahay katulad ng furniture dahil noong isang buwan lamang ito nakuha ng mag-asawa.

Daniel, blessed na nakatrabaho si Charo sa mala-Yolandang pelikula

Malapit nang matapos ang shooting ng pelikulang Whether the Weather is Fine na pinagbibidahan nina Daniel Padilla at Charo Santos-Concio.

Para kay Daniel ay talagang masarap na katrabaho ang beteranang aktres. “Ang sarap katrabaho ni Ma’am Charo, napakahusay na aktor. Kapag may katrabaho kang magaling na aktor, ang sarap magbato ng eksena. Nagtutulungan kayo, I am very thankful, blessed and very humble na nakatrabaho si Ma’am Charo,” pagbabahagi ni Daniel.

Ayon sa binata ay ang bagyong Yolanda noong 2013 ang naging inspirasyon ng kanilang bagong pelikula. “Whether the Weather is Fine is with Ma’am Charo, it’s about Yolanda. Pero wala pa talaga tayong date kung kailan siya ipapalabas. Sana abangan nating lahat ‘yung mga pelikulang ginagawa naming lahat. Kasi it’s really different, it’s something new para sa akin. New production (team) din kasi it’s not really from ABS-CBN or Star Cinema. Iba rin ‘yung karga, iba,” nakangiting pahayag ng aktor.    (Reports from JCC)

vuukle comment

MARTIN SPIES

RACHELLE ANN GO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with