Gerald
Gerald ayaw nang maging reklamador’hindi naman ako yayaman sa bashers’
SHOW-MY - Salve Asis (Pilipino Star Ngayon) - January 18, 2020 - 12:00am

Ayaw nang maging reklamador ni Gerald Anderson. Mas gusto na lang niyang maging pasensyoso.

Ito ang ilan sa mga naTUtuhan niya habang ginagawa ang teleseryeng A Soldier’s Heart na finally ay ipalalabas na after almost two years in the making, simula sa Lunes, January 20.

Dahil sa sobrang hirap daw ng ginawa nilang military training para sa serye, nagbago ang pananaw niya sa buhay. “‘Yung perspective natin sa buhay, nag-iba eh. Nabawasan na ‘yung pagrereklamo ko sa buhay, nabawasan na ang pagka-irita, dapat ‘yung patience mo, dapat mas mahaba ang patience. Nakakahiya namang magreklamo tayo dahil traffic sa EDSA eh ‘yung mga sundalo hindi nila alam kung kailan sila makakabalik dahil sa bakbakan,” pahayag ng aktor nang maka-chika namin pagkatapos ng advance screening ng A Soldier’s Heart.

Hindi na rin siya pumapatol sa bashers kung saan kinuyog siya noong kainitan ng issue ng ghosting niya diumano kay Bea Alonzo dahil kay Julia Barretto.

Tanggap na rin niyang bahagi ng trabaho niya ang bashing. Aniya, marami siyang pangarap at pinapakain kaya hindi siya puwedeng maapektuhan. “Hindi naman ako yayaman sa bashers,” hirit pa niya.

Anyway, grabe, ang tindi ng action ng A Soldier’s Heart na papalit sa The Killer Bride na nagtapos na kagabi.

Wow, parang kaaawaan at mamahalin mo siya rito sa tindi ng ginampanan niyang role sa one week episode na ipinapanood sa entertainment press and bloggers.

Lalo na sa torture scene nila ni Vin Abrenica.

Matibay ang samahan nila Alex (Gerald Anderson), Elmer (Vin Abrenica), Benjie (Yves Flores), Abe (Carlo Aquino), Michael (Nash Aguas), Phil (Jerome Ponce), at Jethro (Elmo Magalona) na may iba’t ibang rason sa pagpasok sa militar ngunit pinagbuklod ng iisang dahilan sa pagiging sundalo — ang ipagtanggol ang bayan.

Makakasama din nila sa laban ang nag-iisang babae sa grupo na si Lourd (Sue Ramirez) .

Parang pelikula ang dating nito at tiyak magbibigay kay Gerald ng bagong ‘career’ pag napanood na ito.

Kita ng Mia ibiibgay sa taga-Taal

Sa mga Taal Volcano victims mapupunta ang lahat nang kinita kahapon ng pelikulang Mia.

Though may ilang nag-nega sa naging social media campaign, hindi natinag ang Team Mia sa kanilang plano. “The producers of the film “Mia” have decided to donate all the net proceeds to today’s screening (Friday) to the victims of the Taal volcano eruption.

“We urge you to support the campaign by watching the film today with your family and friends. #MiaParaSaTaal #MiaTheMovie #NowShowing.”

Ang isa sa mga producer ng pelikula na si Chris Cahilig ang nag-initiate ng nasabing idea.

 

 

GERALD
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with