Mccoy
Mccoy, gusto na uling magka-gf
SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - January 18, 2020 - 12:00am

Kung mabibigyan ng pagkakataon ay gusto na mu­ling magkaroon ng kasintahan ni McCoy de Leon ngayong taon. Hinahanap-hanap na umano ng aktor ang pakiramdam ng isang taong mayroong karelasyon. “Oo, sige, aaminin ko na rin. Kasi parang ang sarap din. Nakaka-miss, kapag meron naman na, hangga’t maaari poprotektahan ko. Aalagaan ko kung ano man ‘yon. Hanggang doon na lang muna,” makahulugang pahayag ni McCoy.

Matatandaang si Elisse Joson ang huling naging kasintahan ng aktor at naging kontrobersyal ang kanilang hiwa­layan noong 2018. “Hindi ko naman masasabi na hindi ko inalagaan. Siguro, timing na rin na kapag natuloy nang dire-diretso, eh baka hindi maganda ‘yung maging resulta. Mabuting tao naman siya at nire­respeto ko siya bilang babae. Sa akin ang importante napanatili namin ‘yung pagkakaibigan namin kung sakaling magkita kami. Tapos nakita ko naman sa interview na parang maganda rin po naman ‘yung sinabi niya. Kaya ‘yon ‘yung nakakatuwa sa industriyang ito, na sa kabila ng lahat nag-stay ‘yung friendship hindi lang oncam,” paliwanag ng binata.

Aminado si McCoy na nakaramdam siya ng pagsisisi nang magkahiwalay sila ni Elisse bilang magkasintahan. “Opo, aaminin ko po na-overwhelm po kasi ako eh. Kasi ‘pag masyado po akong masaya, nakikita sa mukha ko. Hindi ko kayang itago. Pero aaminin ko, positive na lesson naman ‘yon. Ang importante ‘yung ngayon na walang nagkakasakitan. Pero ang saya naman, wala namang problema po,” pagtatapat ng aktor.

Yayo, ayaw nang alagaan si William 

Kahit mahigit isang dekada nang hiwalay bilang mag-asawa sina Yayo Aguila at William Martinez ay masaya naman daw ang dalawa sa kanya-kanyang mga buhay. “Twelve years na pero masaya kami. Ako nga gusto magka-girlfreind na siya. Kasi mag-isa lang siya sa bahay. Mag-isa lang din siya sa buhay. So iba pa rin ‘yung may nag-aalaga sa kanya. Hindi ko na magagawa ‘yon at bakit ko naman gagawin ‘yon? Nandiyan naman ‘yung mga anak niya. Nalulungkot ako na wala siyang kausap sa bahay, wala siyang kasama. So mas gusto ko ‘yung sana ay aalagaan talaga siya,” nakangi­ting pahayag ni Yayo.

Sampung taon na ang nakalilipas nang ipaa­lam ng aktres sa publiko na nagkahiwalay na sila ni William pagkatapos ng dalawampu’t limang taon nilang pagsasama. Nabiyayaan ng apat na anak ang mag-asawa. Ngayon ay muling nagkatrabaho sina Yayo at William sa pelikulang ‘Mia’ na pinagbibidahan ni Coleen Garcia at Edgar Allan Guzman. “Siyempre natutuwa rin ako na kasama ko si William rito, mag-asawa kami rito. Ito yata ang first movie naming together after (magkahiwalay). Pagdating sa work, mas gusto ko siyang ka-partner. Kung may choice ako kasi sanay na ako sa kanya at sanay na rin siya sa akin. So chill lang kami. Walang problema sa amin, friends pa rin kami,” pagbabahagi ng aktres.   (Reports from JCC)

MCCOY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with