Alex at Mikee
Alex at Mikee sa Methodist Church ikakasal!
TAKE IT TAKE IT - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - January 18, 2020 - 12:00am

Engaged na pala si Alex Gonzaga sa kanyang boyfriend na si Mikee Morada.

Hindi pa sinasabi nina Alex at Mikee ang araw ng pagpapakasal pero tiyak na mangyayari ito sa Methodist Church sa Taytay, Rizal dahil mga miyembro ng nabanggit na simbahan ang Gonzaga family.

Sa Methodist Church din ikinasal sina Toni Gonzaga at Paul Soriano noong June 12, 2015.

Sinasabi, very supportive boyfriend si Mikee kay Alex dahil kapag available daw ito, sinasamahan niya ang kanyang fiancée sa mga commitment nito tulad sa Eastwood Walk of Fame noong January 12.

Konsehal ng lone district ng Lipa City si Mikee.

Bela at JC parang Vi at Boyet

Gusto ko nang maniwala na parang Christopher de Leon at Vilma Santos ang tandem nina JC Santos at Bela Padilla dahil kinakagat ng publiko ang kanilang pagtatambal sa mga pelikula kahit hindi sila magkarelasyon sa tunay na buhay.

Magkapareha sina Bela at JC sa pelikulang On Vodka, Beers and Regrets na third team up na pala nila sa Viva Films.

May fans naman kung tutuusin ang reel loveteam nina JC at Bela dahil parehong blockbuster ang kanilang past movies, ang 100 Tula Para Kay Stella at The Day After Valentines. Magkasama rin sila sa Miracle in Cell No.7 na certified box office hit, kahit hindi raw lovers ang mga karakter na ginampanan nila.

Hindi ako naka-attend sa presscon ng On Vodka, Beers and Regrets pero na-shocked daw si Bela nang aminin ni JC na attracted ito noon sa kanya.

Hiwalay na si Bela sa ex-boyfriend nito na si Neil Arce noong January 2017 kaya marami ang nagtataka dahil hindi siya niligawan ni JC o baka naman may karelasyon ito noon.

Anyway, ayon sa nagkuwento sa akin, parehong tanggap nina Bela at JC na hanggang sa pelikula lang ang relasyon nila dahil may girlfriend ang aktor. Alam nga ni Bela ang mga ganap sa buhay ni JC kaya sinabi niya na masaya siya para sa kanyang leading man sa On Vodka, Beers and Regrets.

Matagal nang loveless si Bela mula nang maghiwalay sila ni Neil Arce na alam nating lahat na engaged na kay Angel Locsin.

Sa February 5 ang playdate ng On Vodka, Beers and Regrets sa mga sinehan na dinirek ni Irene Villamor.

Julia ayaw tantanan sa isyu ng panganganak

Nauungkat na naman ang intriga na nanganak si Julia Montes dahil sa kanyang showbiz comeback ngayong 2020.

Ipinagpipilitan ng karamihan na totoong nagsilang si Julia ng lovechild nila ni Coco Martin pero mahirap patunayan ang kanilang mga sinasabi dahil kailangan na maglabas sila ng sapat na ebidensya.

Tanging sina Coco at Julia ang nakakaalam sa katotohanan at kahit mga artista sila, karapatan nila na protektahan ang kanilang mga pribadong buhay. Walang mangyayari sa ipinipilit na nagbuntis at nanganak si Julia kung mismong ang tao na sangkot sa isyu ang hindi nagsasalita.

 

ALEX AT MIKEE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with