_ngayon
^

PSN Showbiz

JC umaming kasal at magiging tatay na!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon
JC umaming kasal at magiging tatay na!
Bela & JC

Si Bela Padilla actually ang nagsimula kaya natanong ang leading man niyang si JC Santos sa Viva Films movie na On Vodka, Beers, and Reg­rets sa pagbubuntis ng inakalang girlfriend pa lang nito. Sabi kasi ni Bela, “very, very happy” si JC ngayon at hindi na nag-elaborate.

Natanong din naman si JC kung ang rason na sobra siyang masaya ngayon ay dahil malapit nang manga­nak ang GF? “Oo” ang sagot ni JC at siya na rin ang nagsabing eight months pregnant na si Shy­leena Herrera.

“Kinakabahan, pero excited na ako at gusto ko ako ang mag-alaga,” ang sabi ni JC sa first baby nila ng kanyang asawa na isang baby girl.

Yes, tama ang basa ninyo, kasal na si JC kay Shyleena last September 2019 pa at ang kwento ni JC sa Magandang Buhay, schoolmate niya sa Pampanga na after 16 years, muli silang nagkita and the rest is history.

Ang wish ni Bela, sa Valentine’s Day manganak ang wife ni JC at siguradong kukunin siyang ninang nina JC at Shyleena dahil close friends sila ni JC. Ilang pelikula na ang pinagtambalan nila, wala na silang ilangan kahit anong eksena pa ang kanilang gawin.

Sa On Vodka, Beers, and Regrets na directed  by Irene Villamor, tiyak na may kissing scene sila. Sa February 5, 2020 ang showing ng pelikula.

Rachelle malabong magtagal sa ‘Pinas

Ang pagbabalita ni Rachelle Anne Go via video na mapapanood siya sa All-Out Sundays ng GMA 7 sa January 19. Masaya raw siya makita at makasama uling mag-perform ang mga kaibigan niyang kanyang nami-miss.

Excited na ang Kapuso viewers to watch Rachelle perform with Aicelle Santos, Christian Bautista, Mark Bautista at sana mabigyan ng chance ang new singers ng Kapuso network to sing with her.

Hindi magtatagal dito si Rachelle, kaya hindi siya ‘yun na-blind item na papasok sa All-Out Sundays simula sa March.

Luis nagpaka-seryoso sa pag-congratulate kay Alex

Magkasunod ang pagko-congratulate ng magdyowang Luis Manzano at Jessy Mendiola sa engagement ni Alex Gonzaga kay Mikee Morada.  Aliw basahin ang reaction ng netizens sa greetings ni Luis kay Alex, himala raw na mabait siya kay Alex at tinawag pa nga nitong “Ate.” May nag-comment din na walang halong pambu-bully ang greetings niya kay Alex na nakakapanibago.

Sobra ang pambu-bully ni Luis kay Alex na mabuti at hindi napipikon si Alex dahil sa totoong buhay ay magkaibigan.

Hindi lang nakaligtas si Luis sa followers ni Alex   na sana sa susunod, si Luis naman ang mabalitang nag-propose kay Jessy at ma-engaged na rin sila at susunod na ikakasal.

Dingdong iniintriga sa pagsusuot ng military uniform

Reservist ng Philippine Navy si Dingdong Dantes, kaya nang mag-distribute ng 1,000 packs ng relief goods sa biktima ng Taal volcano eruption, naka-military uniform ang aktor. Baka kasi gawing isyu ng bashers na bakit naka-military uniform si Dingdong nang pumunta sa evacuation centers.

Si Matteo Guidicelli rin naman, naka-military uniform nang mag-distribute ng relief goods at gamit pa nga ang Philippine Army. Sana, wala nang isyu at intriga pagdating sa pagtulong sa mga naapektuhan ng bulkang Taal.

Maraming nakalap na donations ang YesPinoy Foundation na pinamumunuan ni Dingdong at tiyak, may sarili ring pera na inilabas sila ni Marian Rivera at ang resulta nga ay ang maraming relief goods.

JC
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with