Ayon sa ilang ulat, nasa Brazil sila ng real-life boyfriend na si James Reid para sa isang lifestyle magazine shoot.
Mula sa Instagram account ni Nadine Lustre
Cellphone ni Nadine Lustre ninenok ng kawatan sa Brazil
James Relativo (Philstar.com) - January 17, 2020 - 4:04pm

MANILA, Philippines — Nabiktima ng magnanakaw sa ibayong dagat ang aktres at mang-aawit na si Nadine Lustre, pagbabahagi niya sa kanyang Instagram story.

"New fone who dis? Legit tho, cuz my phone got stolen yesterday ha," bungad ng pop culture icon, Huwebes.

"Thank god for the ??," sabi niya sa sumunod na story na tila tumutukoy sa cloud storage, na ginagamit upang makakuha ng access sa mga laman ng telepono.

Base sa video na inupload sa kanyang story, nasa Brazil pa ang aktres dahil makikita rito ang higanteng estatwa ng "Christ the Redeemer" nakatayo sa Rio de Janeiro.

Ayon sa ilang ulat, nasa Brazil sila ng real-life boyfriend na si James Reid para sa isang lifestyle magazine shoot.

Matatandaang binanatan ni Nadine ang kolumnista ng The STAR na si Ricky Lo matapos banggitin na hiwalay na sila, bagay na itinanggi ng aktres.

Nasangkot sa kontrobersiya kamakailan si Lustre matapos siyang sabihan ng DZMM host na si Jobert Sucaldito na "tumalon na lang" mula sa gusali kung nalulungkot sa diumano'y hiwalayan nila ni James.

Humingi naman ng tawad si Jobert kinalaunan matapos kumpirmahin ng ABS-CBN na iimbestigahan ang kanyang "insensitibong" pahayag.

BRAZIL CELLPHONE JAMES REID NADINE LUSTRE THEFT
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with