Ruby Rodriguez
Ruby nang-isnab ng producer
Salve Asis (Pilipino Star Ngayon) - January 17, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Inirereklamo ng mga Pinoy sa Universal Studio in Hollywood ng pang-iisnab ang Eat Bulaga host na si Ruby Rodriguez.

Hindi raw pala ito marunong ngumiti kahit binabati na as if isang superstar ang nakasalubong nila.

“May kwento lang ako, nakita namin si Ruby tv host ng EB sa Universal Studio in Hollywood last week. Nakilala namin siya, of course nag hi kami sa kanya naku po hindi kami... pinansin! Also another filipino come up to her to say hi  lang naku po lalong umalis sa harap namin. WTH! I said to my self sino ba siya feeling sikat ba? Wow! In short kung ayaw mo makita ng kababayan mo huwag kang lumabas ng bahay . Sabi ko nga baka gutom. Diyos kopo Lord forgive me! Sa tv super bait niya, Yon pala plastic! Sorry ha na share ko lang kc di bagay sa kanya mag asta ng ganyan kasi hindi siya masyadong maganda,” chat ng isang kakilala namin na nasalubong nga si Ruby sa nasabing themepark sa Hollywood.

Eh ang hindi alam ni Ruby, producer din si Madam na isa inisnab niya kaya ang sabi nito never niyang ipo-produce ng show sa abroad ang TV host.

Hindi ko alam na ganun pala si Ruby na hindi marunong ngumiti. Di ba dapat matuwa pa siya dahil at least kahit iisa lang ang program niya sa GMA, ang EB, hindi siya nalilimutan ng mga Pinoy sa abroad.

RUBY RODRIGUEZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with