LizQuen
LizQuen na may pa-bukol at pakita ng panty, KathNiel magbabago na rin!
SHOW-MY - Salve Asis (Pilipino Star Ngayon) - January 17, 2020 - 12:00am

Matapos ngang magkahiwalay sa mga assignment nang mahigit isang taon, magkakatrabaho na uli onscreen ang love team at real life sweethearts na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla matapos silang mag-renew at pumirma ng tatlong taong kontrata sa ABS-CBN.

At ayon kay Daniel iba naman ang mapapanood sa kanila. “Makakaasa sila ng bago, siyem­pre ang tagal din na­ ming hinihintay na mangyari ito ulit. Tingin ko excited ang fans na makita ulit kaming magkasama dahil kami rin personally, excited na kaming magtrabaho ulit nang magkasama,” ani Daniel.

 Bukod sa kanyang proyekto kasama si Kathryn, nabanggit din ni Daniel ang kanyang excitement sa pelikulang pinamagatang Whether the Weather is Fine kasama ang ABS-CBN executive at beteranang aktres na si Charo Santos-Concio.

Nagkuwento naman si Kathryn sa nakukuha niyang suporta mula sa kanyang YouTube channel, “Everyday Kath.” Sa loob lang kasi ng dalawang linggo matapos mailabas ang kanyang unang vlog, umabot pala ito sa halos isang milyon subscribers.

“Masaya. Higit pa sa subscribers, mas gusto ko yung natatanggap naming mga kumento kasi hindi ko alam na gano’n pala ‘yung epekto sa kanila na masilip ‘yung personal na buhay namin,” ani Kathryn na tinaob ang ibang artista na noon pa sumusubok mag-YouTube pero hirap makakuha ng followers.

The more followers and views, the more na mas malaki ang kita mo sa YouTube.

Makahabol kaya si Kathryn sa ibang YouTubers like Alex Gonzaga na diumano’y kumikita ng P3 million a month?

Si Daniel kailan sasabak sa vlogging?

Anyway, ang sinasabi kayang pagbabago ni Daniel sa balik-tambalan nila ni Kathryn ay tulad kina Liza Soberano at Enrique Gil na may pabukol at pagsilip ng undies sa kanilang comeback teleserye na Make It With You?

Kaya naman ang mga badesh, hindi mapakali.

Angat na angat kasi ang bukol ni Enrique.

Si Liza naman ay ang ganda at parang itotodo na ang pagpapa-sexy on screen.

KATHNIEL LIZQUEN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with