Heart
Heart hinimas-himas ang mga hayop na naapektuhan ng bulkang Taal!
TAKE IT TAKE IT - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - January 17, 2020 - 12:00am

Kaloka talaga na makita ang devastating effect ng pag-aalburoto ng Taal Volcano dahil sa ashfall na ibinuga nito.

Nakakaiyak ang bilang ng mga namatay na hayop at ang mga ibon na hindi makalipad dahil nababalutan ng putik ang kanilang mga pakpak.

Sa mga ganitong pagkakataon natin napapatunayan ang resiliency at ang bayanihan spirit ng mga Pilipino.

Napakaganda na tingnan ng mga volunteer, ang mga tumutulong sa paglilinis ng mga daan, ang mga taga-sagip ng mga hayop na iniwan ng mga may-ari dahil sa madalian na paglikas.

In times like this, napagmasdan natin ang compassion na likas sa mga kababayan natin. Sana nga, matapos na ang pag-aalburoto ng Taal Volcano at wala nang mangyari na ganitong insidente.

Please help us God, and thank you for keeping us safe.

Kung abala ang ibang ordinary citizen sa pagtulong, patuloy din sa pagbibigay at paghahatid ng tulong ang mga celebrity sa mga kababayan natin na apektado ng Taal Volcano eruption.

Personal na pumunta sa mga evacuation center sa iba’t ibang bayan sa Batangas sina Angel Locsin, Derek Ramsay, Lani Mercado, Jolo Revilla at Vilma Santos.

Kahapon naman balitang sina former Senator Jinggoy Estrada, Korina Sanchez at ang comedian na si Chad Kinis ang nagdala ng relief goods.

Ang sabi sa akin, mula raw ang pamilya ni Chad sa Batangas samantalang ang abandoned animals naman ang sinasabing tutulungan ni Mama Koring.

Kuwento pa sa akin, napuyat si Senator Jinggoy noong Miyerkules dahil dumalo raw ito sa birthday party nina Mario Bautista at Joe Barrameda pero kesehodang kulang sa tulog, siyempre walang nakapigil kay Papa Jinggoy para bisitahin at tulungan ang  mga nasalanta ng ashfall mula sa Taal Volcano.

Kahit hindi naman nakapunta sa Batangas si Heart Evangelista, bumisita naman pala siya sa Philippine Animal Welfare Society (PAWS) center para ihatid ang kanyang mga tulong.

Si Heart ang spokesperson ng PAWS at perfect choice siya dahil talagang malapit sa kanyang puso ang mga hayop, lalo na ang mga aso.

Kasado na rin ang plano ng BFF ko na si Pinky Tobiano na mamahagi bukas ng relief goods sa Taal Volcano victim. Isasama ni Pinky sa distribution of relief goods ang singer na si Erik Santos na always present sa kanyang mga charity project.

Ang mga biktima ng pagputok ng Taal Volcano rin ang bumabagabag kay Juancho Trivino na residente ng Sta. Rosa Laguna na napakalapit sa Tagaytay City.

Worried na worried umano ang lead actor ng Madrasta para sa kanyang mga kaibigan at mga mahal sa buhay.

Nang magkaroon ng ashfall noong Linggo, nag-evacuate ang pamilya ni Juancho sa bahay ng kanyang lola sa Parañaque City. May asthma ang tatay ni Juancho kaya bawal na bawal sa kanya na makalanghap ng alikabok, lalo na ng ashfall.

May reason para ma-sad si Juancho dahil naging parang ghost town ang mga bayan sa Batangas, Cavite at Laguna na natabunan ng ashfall.

Ang unexpected na pag-aalburoto ng Taal Volcano ang dahilan kaya magpapalit ng wedding venue si Juancho at ang kanyang future wife na si Joyce Pring. 

HEART EVANGELISTA TAAL VOLCANO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with