Julia
Julia lalagari na uli
SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula (Pilipino Star Ngayon) - January 17, 2020 - 12:00am

Hindi naman natitinag ang ABS-CBN sa isyu ng renewal ng franchise nito na matatapos na dalawang buwan mula ngayon.

Pagpasok pa lang ng taong 2020, nag-renew sila ng kontrata ni Sharon Cuneta, at may ilan pang Kapamilya artists kabilang na rito ang sikat na KathNiel na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla. Doon na rin nila in-announce na gagawin nila ang Tanging Mahal, isang teleseryeng pagsasamahan ng dalawa.

Pero kasabay ng balitang ito na inilabas nila nung Miyerkules ng gabi, inihayag naman ni Erickson Raymundo ng Cornerstone ang pagbabalik Kapamilya ni Julia Montes.

Ang ganda ni Julia sa kanyang short hair na kuha nila ni Erickson.

Post ni Erickson sa kanyang Instagram account; “Welcome back @montesjulia08! 2020 will be a busy year for you and I can’t wait to share all the projects lined up for you. Exciting months ahead!”

May kuha rin si Julia sa tanggapan nila sa Cornerstone, at ganundin ang ayos niya na kuha naman ng head ng Dreamscape Entertainment na si Deo Endrinal.

Nasa caption naman ng post ni Deo; “Sometimes, some people are just worth the wait (heart at praying emojis) welcome back! #24/7 #exterminate”

Maraming mga Kapamilya stars ang nag-comment na wini-welcome siya sa kanyang pagbabalik showbiz.

Pero may lumulutang pa rin na isyu sa renewal ng franchise nito.

Ang latest nga na lumabas sa ilang pahayagan kahapon ay ang reklamong ihahain sa Supreme Court ng Office of Solicitor General laban sa ABS-CBN.

Ayon sa lumabas na balita, pangungunahan daw ni Solicitor Gene­ral Jose Calida ang pagsasampa ng reklamo laban sa naturang network dahil may mga nilabag daw ito sa terms and conditions ng kanilang franchise na ipinagkaloob ng Kongreso.

Pero pinag-uusapan na rin ang ilang mga nasa Kongreso ang tungkol sa renewal na gagawin daw nila pagbalik nila sa session sa January 20.

AiAi nag-move on sa kakaunting eksena sa movie ni CoCo

Ang latest na nasagap naming balita, halos kalahating milyon na raw ang first-day earnings ng pelikulang Mia na nagbukas nung nakaraang Miyerkules.

Hindi masyadong magandang senyales sa kauna-unahan nating pelikula sa taong 2020.

Kaya puspusan ang promo ngayon ng D’Ninang na pina­ngungunahan ni AiAi delas Alas dahil next week na, sa January 22, ang showing ng naturang pelikula.

Pero positibo naman ang Kapuso Comedy Queen na tatangkilikin ito dahil masuwerte raw ang pelikula niya sa Regal Films.

“Everytime na nasa Regal Films ako, sinusuwerte talaga ko and praise God, kumikita talaga ang lahat na movies ko sa Regal,” pakli ni AiAi.

Pero patuloy pa rin siya sa pagdarasal na maganda ang kalalabasan nito dahil gusto naman daw niyang makabawi ngayong 2020.

“Napakadami kong pinagdaanan nung 2019. Kaya ngayon pong 2020 ako po ay babangon at makikibaka sa buhay,” makahulugan niyang pahayag nang nakatsikahan namin sa mediacon ng D’Ninang.

Medyo nagtaka kami dahil parang hindi naman namin naramdaman na marami pala siyang pinagdaanan nung nakaraang taon.

“Wala siguro sa paningin nyo, pero sa akin marami. Oo. Personal life ko masaya, pero madami akong pinagdaanan na hindi naman alam ng mga tao yun,”  seryoso niyang pahayag.

Samantala, hiningan din namin ng reaksyon si AiAi sa nakita ng karamihan sa pelikulang 3Pol Trobol nila nina Coco Martin at Jennylyn Mercado na hindi naman ganun kadami ang exposure niya sa naturang pelikula.

Ang ilan niyang eksena ay sa outtakes na lang nakita.

Hindi ba siya na-disappoint nang napanood niya ito? “Hayaan na natin! Mag-move on na tayo. Manood na lang kayo ng D’ Ninang, marami naman akong eksena dun. Ako naman ang bida dun,” nakangiti niyang sagot sa amin.

Bahagi pa rin ng promo ng D’Ninang, guest si AiAi sa All-Out Sundays sa darating na Linggo na kung saan magba-Banana Chacha siya roon kasama sina Kisses Delavin at Angel Guardian.

Ia-announce na rin kaya roon ni AiAi na magi­ging bahagi na rin siya ng naturang musical-comedy show sa mga susunod na buwan?

JULIA MONTES
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with