^

PSN Showbiz

Alex bumuwelta sa hindi pagtulong sa mga taga-Batangas, nanay binantayan ng snatcher

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Alex bumuwelta sa hindi pagtulong sa mga taga-Batangas, nanay binantayan ng snatcher

Bumuwelta si Alex Gonzaga sa mga nanghuhusga na hindi siya nagpaparamdam ng tulong sa mga taga-Batangas na probinsiya pa naman ng boyfriend niyang si Mikee Morada na councilor ng Lipa City, Batangas.

“I appreciate everyone na tumutulong sa nasalanta nating kababayan. However, boyfriend ko po konsehal ng Lipa at ako man po maraming kakilala sa Batangas kaya bago nya pa po kami husgahan at idemand na tumulong naisip na ho namin yan. Hindi na po kailangan ipost ang tulong,” tweet niya.

Magkasama sina Alex at Mikee nang pumutok ang Taal Volcano sa installation ng ‘star’ ni Alex sa Walk of Fame Philippines sa Libis.

Inabutan pa sila doon ng pag-ulan ng ashfall nang mag-umpisang mag-alburoto ang bulkan sa Batangas.

Ma-social media si Alex kaya siguro hinahanapan siya ng post tungkol sa pagtulong sa Batangas.

By the way, nabiktima pala ng snatcher ang nanay nina Toni at Alex.

Grabe walang takot ang snatcher ha. Or baka naman hindi niya nakilala or binantayan na ng snatcher dahil alam nilang madatung ang nanay  nila. Kaya ang paalala ni Alex: “Hello! Parents just got home and informed me na na-snatch buong bag ng mommy sa Taytay tropical a while ago, so to anyone trying to contact my mom, please don’t contact her muna. And take care where ever you are. Always be vigilant and alert to everyone around you. God bless us”.

vuukle comment

ALEX GONZAGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with