Nagpatali ng 3 years sa Kapamilya, Kathniel hindi natakot sa ‘banta’ ni Pres. Duterte
Nagpasalamat si Kathryn Bernardo kahapon sa donation na dog food para sa mga asong kasama sa nanganganilangan ng tulong sa pagputok ng bulkan sa Taal. “A big shoutout to my @nutrichunksph family for sending these and many more sacks of dog food to be donated to our furry friends who were affected by the tragic event in Batangas. Thank you so much! Praying for all the victims, including the animals, during this difficult time,” post ni Kathryn na kahapon ay pumirma rin ng kontrata sa ABS-CBN with Daniel Padilla.
Three years ang pinirmahan nilang contract ayon sa abs-cbn.com at kasama sa kontrata ang isang movie and a teleserye sa mga gagawin nila. Ang teleserye na Tanging Mahal ay magso-shoot pa raw sa Mexico.
Anyway, pinatunayan ng KathNiel na sa kabila ng banta ni Pangulong Duterte na sisiguruhin niyang hindi mare-renew ang franchise ng Kapamilya Network, pinatunayan nilang wala silang takot.
- Latest