^

PSN Showbiz

Piolo nagpaliwanag sa madalas na paghuhubad

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Piolo nagpaliwanag sa madalas na paghuhubad
Piolo Pascual

Kapansin-pansin na madalas na naka-topless o walang suot na t-shirt si Piolo Pascual sa mga larawan o videos na naka-post sa kanyang mga social media account. Ayon sa aktor ay mayroong ibang taong nagpo-post para sa kanya. “Hindi ako ‘yon eh, I have my social media person that handles my social media accounts. I do my IG stories, I’m always topless, I’m sorry about that. I’m always on the beach most of the time and I would just share photos with them just to update and to tell them where I am, what I’m doing,” paliwanag ni Piolo.

Isa na rin ang aktor sa mga Kapamilya stars na aktibo na sa paggawa ng video blogs. Aminado naman si Piolo na nakararamdam pa rin siya ng hiya sa tuwing gumagawa ng vlog. “Actually they were asking for my videos, for the vlog. But I’m not the type of person who would do cover or shoot for myself. So pinapadala ko na lang mga photos. It’s just that na ‘yon nga eh siyempre ‘pag nasa beach ka naka-topless ka talaga. But it doesn’t mean I want to excite people or show that I have abs. It’s just really how I am even at home,” pagbabahagi ng aktor.

Katya, may pakiusap para sa mga baguhang artistang walang manners

Gabi-gabi nang napapanood sa Kapamilya network ang teleser­yeng Make It With You na pinagbibidahan nina Liza Soberano at Enrique Gil.

Kabilang din sa naturang proyekto si Katya Santos na nagulat daw sa totoong ugali nina Liza at Enrique. “Kasi kung ano ‘yung kinalakihan namin, ganoon silang dalawa. Very humble sila, very simple. Meron silang manners and respect. Talagang magri-reach out sila sa iyo, magpapakilala sila,” nakangiting bungad ni Katya.

Ayon sa dating child star at sexy actress ay ibang-iba na ang mga nakababatang artista ngayon kumpara noong kabataan ni Katya. “Ngayon kasi ‘pag nag-o-observe ako, iba na ‘yung millennials, ‘yung mga bagong artista, ‘yung mga bata. So no’ng una, nakita ko ang Liz-Quen medyo nahihiya ako. Kasi hindi ko alam kung paano ba ‘yung way nila. Kasi may mga bagong bata na hindi masyadong namamansin talaga, walang respect minsan,” paglalahad ng aktres. 

Nabastos na rin si Katya ng isang baguhang artista na kanyang nakatrabaho dalawang taon na ang nakalilipas. Kaya naman mayroong pakiusap ngayon ang aktres sa mga baguhang artista upang maging magalang sa lahat ng kasamahan sa trabaho. “Please lang, even if you don’t know the person, I’m sure you know how the actors look like or kahit hindi sila actors. Magkaroon kayo ng decency or ng manners and respect na magpakilala or bumati. Maging magalang lang kayo sa mga nakakatanda sa inyo at sa mga kapantay ninyo. Kasi sa industry natin, at the end of the day, it’s still your attitude more than the talent eh, ‘yung working attitude,” makahulugang pagtatapos ni Katya. (Reports from JCC)

vuukle comment

PIOLO PASCUAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with