Gabby matindi ang dating galit kay Tonton
Salve Asis (Pilipino Star Ngayon) - January 15, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Grabe super-blush si Tonton Gutierrez sa ginawang pambubuko sa kanya ni Nay Lolit Solis sa episode 48 ng Take It... Per Minute! (Me Ganun) kahapon ng tanghali.

Si Tonton ang special guest ng no.1 digital talk show nina Manay Lolit, Manay Cristy Fermin and Mr. Fu bilang ambassador ng Beautederm for Men.

May pa-throwback kasi si Manay Lolit na ma­nager din ni Tonton.

Alam n’yo ba na galit na galit pala si Gabby Concepcion noon kay Tonton dahil nagkaroon ng something sina Tonton and Sharon? Eh sina Gabby at Sharon na raw that time.

Meron pang binanggit si Nay Lolit na nang magpunta sila sa isang probinsiya, may kasama silang dalawang actress na pareho raw tsinutsugi ni Tonton.

Hahahaha.

Todo deny naman si Tonton na kinokontra siyempre ni Nay Lolit dahil kahit kailan daw ay hindi siya nag-imbento ng kuwento.

Actually, hindi lang si Manay Lolit ang maraming throwback chika sa mister ni Glydel Mercado, maging si Manay Cristy ay alam ang mga ‘kalokohan’ ng actor nung bata-bata pa ito dahil ka-tropa nito sila Jude Estrada.

Kaya naman si Mr. Fu tawa nang tawa at parang gustong kampihan si Tonton dahil sa pambubuko ng kapwa niya ‘ambassador’ ng showbiz chika.

Actually, guest talaga namin siya sa TIPMMG dahil nga sa Beautederm ni Ms. Rei Tan kung saan nga ambassador sila ni Glydel na major sponsor kahapon ng Take It...

Anyway, ito nga pala ang isang ‘cute’ na kuwento ni Tonton tungkol sa produktong ini-endorse nila ng misis.

Nung una raw, hindi ginagamit ni Glydel ang Beautederm at ang ginagawa nito binibigay sa kasambahay nila.

Pero after two months daw, nakita raw ni Glydel na kuminis ang face ng kasambahay.

Kaya ang punchline ni Nay Lolit, hindi naman kaya napagkamalan ni Tonton si Glydel na ‘yung kasama nila sa bahay?

Kaloka ‘di ba.

At sa blind item portion, naikonek nina Manay Cristy, Manay Lolit and Mr. Fu ang isang product for men na spray para sa mabahong paa.

Unang sabi ni Manay Cristy, ‘naku may kilala akong kailangan yan?’ Matangkad.”

Hirit naman ni Mr. Fu : “Naku ‘yan ba yung kilala ko rin. Pero kasi hindi ‘yun matangkad eh.”

So bulungan sila nang bulungan.

Pero ang ending, binuko ni Manay Lolit kung sino ang nangangailangan ng body and foot spray for men na sagot sa mababahong amoy sa katawan dahil sa pagpapawis.

Ang pangalan ng dalawang actor na diumano’y kadiri ang amoy ng paa lalo na, ay magkapangalan pa, dalawang John.

Hulaan n’yo na lang. Ang pumiyok, guilty. Hihihi.

Pero hindi nila nalimutang ipagdasal ang mga nasalanta nang pagwawala ng Taal volcano kung saan maraming artista ang meron mga ari-arian doon.

Anyway, sa mga hindi pa nakakapanood ng TIPMMG na five episodes na lang ay one year na, maki-#TeamReplay sa Facebook page ng Pilipino Star NGAYON at PSN Latest Chika Facebook pages para maging updated sa mga iba pang mga kaganapan sa pali-paligid ng showbiz.

LOLIT SOLIS TONTON GUTIERREZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with