Coco
Probinsyano ni Coco hanggang May na lang, Batang Quiapo nila ni Julia ipapalit?!
SHOW-MY - Salve Asis (Pilipino Star Ngayon) - January 15, 2020 - 12:00am

Confirmed na tuloy na uli ang The Soulmate Project (dating Soulmate) nina James Reid and Nancy Jewel Mcdonie (of  the K pop group Momoland).

Yup, ayon sa isang ABS-CBN insider, wala nang atrasan ang pagtatambalang teleserye ni James na kasalukuyang nasa Brazil with his partner Nadine Lustre at pinaka-sikat na member ng Momoland na si Nancy.

Nauna nang kumalat ang isyung hindi na ito tuloy dahil diumano sa selos ni Nadine.

“Yes tuloy ulit....” sabi ng source.

For ABS-CBN and iWant daw ang airing nito pero wala pang airing date. Di pa raw kasi nag-start ang taping.

Kasama na rin actually ang nasabing programa sa mga naka-line up na shows ng ABS-CBN for 2020 na inilabas nila sa isang omnibus plugging.

Pero ang hindi kasama sa nasabing line up ay ang sinasabing gagawin ni Coco Martin na Batang Quiapo with Julia Montes.

Nauna nang may nagkuwentong source na hanggang March na lang Ang Probinsyano pero ayon sa isang insider ng Kapamilya Network na parang hindi naman bothered sa papalapit na March 20, sa May pa raw tatapusin ang no. 1 show ni Coco.

Ang siniguro ng isang source ko, tatapusin na ang role ni Lorna Tolentino sa Ang Probinsyano.

COCO MARTIN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with