Ka Tunying
Ka Tunying mahusay ding negos­yante
TAKE IT TAKE IT - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - January 15, 2020 - 12:00am

Biniro ko si Anthony “Ka Tunying” Taberna Salve dahil birthday niya sa January 16. Sinabi ko sa kanya na bongga siya dahil pumutok ang Taal Volcano bilang pagbati sa kanya ng happy birthday.

Isa si Ka Tunying sa mga pinakamabait na broadcaster at pagdating sa good PR, top din ang kanyang misis na si Rossel kaya hindi kataka-taka na maging matagumpay ang kanilang Ka Tunying’s restaurant and coffee shop.

Madalas na puno ng mga kostumer ang lahat ng branches ng Ka Tun­ying na dinarayo dahil sa kanilang authentic Filipino home cooked food at mga tinapay na masasarap kaya pati ang mga balikbayan, pinupuntahan ang restaurant nina Ka Tunying at Rossel.

Happy Birthday Ka Tunying, love ka namin dahil hindi ka nagbabago.

Myrtle endorser na rin ng pabango

May perfume endorsement na si Myrtle Sarrosa na mahal na mahal nina Aileen Go ng Megasoft at ni Budingding na lola ni Sandara Park.

Mabait na bata si Myrtle na nakatapos ng pag-aaral kahit busy siya sa kanyang mga showbiz commitment.

Nouve Eau de Toilette ang pangalan ng perfume endorsement ni Myrtle at bagay na bagay ito sa kanyang personality.

Myrtle is a good role model dahil nagawa niya pagsabayin ang trabaho at pag-aaral kaya si Rose ang unang natuwa nang kunin siya na celebrity endorser. Go, bili na tayo ng Nouve Eau de Toilette.

Sandara mas gusto ang pusa kesa aso

Wala akong nakikita na difference sa pag-aalaga ng pusa at aso. May mga tao talaga na mas gusto ang dogs kesa sa mga pusa.

Napansin ko na ang mga mahihilig sa pusa, very physical din ang love nila sa kanilang mga pet as in niyayakap at hinahalikan din nila.

Ganoon din ang ugali ng mga dog lover, panay rin ang caress at yakap nila sa kanilang mga pet.

Kung titingnan natin, parang hindi sanay sa lambing ang mga pusa, hindi katulad ng mga aso na reciprocated agad ang paghimas sa kanila.

Pero sa nakita ko sa mga nag-aalaga ng pusa, puwede rin pala dahil niyayakap at hinihimas-himas rin sila ng kanilang mga alaga kaya alam ko na ngayon kung bakit mas type ni Sandara Park na mag-alaga ng pusa kesa mga aso.

Ngayong napagmasdan ko na loving din ang mga pusa, biglang naisip ko ang maraming pusa sa kalye na pinababayaan. Mabuti na lang, uso na ang pet shelter at marami na talaga ang nagliligtas sa stray animals.

Kudos and salute to PAWS and others for caring for them.

ANTHONY “KA TUNYING” TABERNA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with