Rachelle at Sarah
Rachelle pinayuhan si Sarah tungkol sa pag-aasawa
SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - January 15, 2020 - 12:00am

Masayang-masaya si Rachelle Ann Go nang mabalitaan ang tungkol sa engagement nina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli. Malapit na kaibigan ni Rachelle Ann ang Popstar Royalty kaya naman alam raw ang nangyayari sa buhay pag-ibig ni Sarah. “Of course, I am very happy for the both of them. Alam naman ‘yon ni Sarah. Kahit nandoon ako sa London, updated ako sa mga nagaganap sa life niya. So I’m very happy,” nakangiting bungad ni Rachelle Ann.

Noong isang linggo ay nakipagkita ang singer kina Sarah at Erik Santos. Ayon kay Rachelle Ann ay talagang na-miss niya nang sobra ang mga kaibigan. “Buong araw kaming magkakasama. Wala ka­ming ginawa kundi kumain, magpa-spa, mag-chikahan all day. Parang kulang ‘yung isang araw, ang dami naming napagtsismisan,” kwento niya.

Magdadalawang taon nang kasal si Rachelle Ann kay Martin Spies. Nagbigay umano ng payo ang singer kay Sarah tungkol sa buhay may-asawa. “Madami, napakarami. Kaya nga kulang ang isang araw namin. Mahirap po talaga ang marriage but it is so beautiful. Ang sarap na may partner ka sa buhay,” pagbabahagi ng singer.

Malaki ang pasasalamat ni Rachelle Ann sa mister dahil sa mga katangian nitong gustung-gusto niya. “Maka-Diyos ‘yung asawa ko, buti na lang ‘yon ang napili ko talaga. Kaya sobra po talaga akong grateful. Mabait na tao ‘yung napili ko,” pagtatapos ni Rachelle Ann.

Jodi hihintayin na lang ang kapalaran kung magpapakasal pa

Isang buwan na ang nakalilipas mula nang pakasalan ni Jolo Revilla ang beauty queen na si Angelica Alita. Matatandaang si Jodi Sta. Maria ang huling naging kasintahan ng actor-politician at umabot ng walong taon ang relasyon ng dalawa. Ano kaya ang reaksyon ng aktres nang mabalitaan ang tungkol sa pagpapakasal ng dating nobyo? “Naku! Tapos na po ‘yon, huwag na po natin pag-usapan,” pahayag ni Jodi.

Sa ngayon ay masaya ang aktres sa pagiging single mom kay Thirdy na anak nila ng dating asawang si Pampi Lacson. Kung mabibigyan ng pagkakataong umibig muli ay posible ring magpakasal si Jodi sa lalaking magmamahal nang lubos sa kanilang mag-ina. “Wala naman po akong nakikita na problema sa season ngayon ng life ko. I am actually embracing my single-blessedness. If it’s God’s will for me to get married in the future, why not? Kung hindi pa and then I’ll just wait for His plans and purposes for my life. Gano’n lang po,” paglalahad niya. (Reports from JCC)

RACHELLE ANN SARAH GERONIMO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with