Ate Vi
Ate Vi nagpaliwanag sa hindi agad pagpaparamdam sa mga nabiktima ng bulkan
SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula (Pilipino Star Ngayon) - January 15, 2020 - 12:00am

Marami ang naghanap kay Cong. Vilma Santos-Recto nung kasagsagan nang pagputok ng bulkang Taal.

Nakausap namin si Cong. Vi sa radio program namin sa DZRH kamakalawa ng gabi at sinabi niyang nasa Baguio pala sila nung pumutok ang bulkan.

“Sa totoo lang nasa Baguio kami, kasi nag-celebrate kami ng birthday ni Sen. Ralph (Recto) doon.

“Tamang-tama, January 11, 12 pumutok ang Taal Volcano. So, umuwi rin kami right away.

“Nang nalaman namin yun, naka-monitor din kami sa mga nangyayari. Siyempre, may mga tao rin kami, mga staff na yung emergency time na kailangang-kailangan muna…yung mga pagkain, kung ano muna yung mga kailangan yun muna  ang binigyan natin ng prayoridad.

“Naka-monitor din kami sa mga nangyayari. Siyempre, may mga tao rin kami, mga staff na yung emergency time na kailangang-kailangan muna…yung mga pagkain, kung ano muna yung mga kailangan yun muna  ang binigyan natin ng prayoridad,” pahayag ng actress/politician sa aming radio show.

Siya ang representative ng lone district ng Lipa, ang 6th district ng Batangas, kaya doon siya naka-focus sa evacuation para mailikas ang mga taong malapit sa Taal.

Hindi kasi siya yung tipong nagpabida o credit grabber dahil nasa Governor iyun at Vice Governor na nagtatrabaho nito.

“Ang trabaho ko po ngayon ay isang Congresswoman sa lone district sa 6th district ng Lipa City.

“May governor ho tayo ngayon na hindi naman po bumibitaw sa pagtulong, walang iba kundi si Gov. Dodo Mandanas.

“Nagpa-meeting nga po siya at siguraduhin din na magkaroon ng sistema ang pagtulong niya sa buong lalawigan at higit sa lahat, doon po sa naging biktima ng pagsabog po ng Taal Volcano.

“Si Gov. Dodo Mandanas, nagtatrabaho po at hindi po tumitigil sa pagtulong at ganun din po si Vice Gov. Mark Leviste at atin din pong board members diyan sa pronvincial government,” dagdag na pahayag ni Cong. Vi.

Kahapon ay pumunta na siya ng Batangas para ma-check yung evacuation doon.

Naghanda na rin sila ng relief goods, pagkain at mga kailangan ng mga kababayan niyang lumikas doon.

Doon na raw nila pag-usapan kung ano ang susunod na hakbang kung paano maka-recover ang mga taga-Batangas.

Naniniwala si Ate Vi na kakayanin daw ito ng mga Batangueno, dahil kilala raw niyang matapang sila malalagpasan nila itong pinagdaanan nila.

“Madasalin ang mga Batangueno. Naniniwala sila na bukas ay may pag-asa at yun ang paniniwala nila. Pagsubok lang ito.

“Batanguenos are very prayerful. Alam nyo yan.

“Religious capital yan ng ating bansa. Kaya with all yung sipag, with all the effort, with all the pagtutulungan, maging optimistic, kasama pa yung pagdasal, definitely, nasisiguro ko makakabangon din ang Batangas,” positibong pahayag ni Cong. Vi.

VILMA SANTOS-RECTO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with