‘Life is really full of surprises’
TAKE IT TAKE IT - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - January 14, 2020 - 12:00am

Alam mo Salve, sana I can have the liberty to name the person that made me so sad kahapon ng morning. Aside from the fear ng pagsabog ng Taal volcano, iyon sadness sa heart ko napaka-heavy.

I cannot imagine a person who has everything in life, so young, so goodlooking, so sweet can have the courage na pahirapan ang sarili.

Sa konting oras na nakilala ko siya, I was so impressed at feeling honored to meet one like him. Mas lalo pa akong na-impressed dahil he is so polite and gentle.

Ang lakas ng impact niya sa akin na para bang nun lang ako nakakilala ng taong tulad niya. Meron palang ganun.

At puwede pala na ang isang tao na akala mo kumpleto na ang buhay, meron pa rin hinahanap to make him weak at impulsive. Life is really full of surprises, you will never know kung ano ang mangyayari sa susunod na araw, kung ano magiging buhay mo. You really is the one who choose what path you want to take, ikaw lang talaga.

Now meron na naman akong nakuhang lesson sa life, no one, and nobody will feel complete, lagi ka pa rin may hinahanap to fill the void inside your heart.

Jinkee isa sa pinakamabait na tao

Noong January 12 ang 41st birthday ng kambal na sina Jinkee Pacquiao at Janet Jumalon.

Si Jinkee ang isa sa mga pinakamabait na tao na nakilala ko at tulad din siya ng kanyang twin sister na si Janet na very sweet din.

Hindi kataka-taka na hanggang ngayon, lahat ay natutuwa sa mga dumarating na grasya kay Jinkee. Bukod sa endorser siya ng Belo at Frontrow, lalong gumaganda ang misis ni Senator Manny Pacquiao habang tumatagal.

Hanga ako sa pagmamahal ni Jinkee kay Bernard Cloma. Talagang suportado at protected niya si Bernard na hanggang ngayon, hindi pa naibibigay ang gloves ni Lynette. I love you Mama Jinkee, happy birthday sa inyo ni Janet at Bernard, ibigay mo na ang gloves ni Lynette.

Boots Anson positive ang buhay

Turning 75-years-old na si Boots Anson Rodrigo sa January 30 pero batambata pa rin ang itsura niya.

Iba talaga kapag very positive ang mga pananaw sa buhay ng isang tao dahil nakikita ito sa kanilang physical appearance.

Napakaliksi pa rin ng mga kilos ni Mama Boots na isa sa mga pinakamabait na aktres sa buong Pilipinas. Ni minsan, hindi siya nasangkot sa mga eskandalo at mataas ang respeto sa kanya ng lahat.

Dahil turning 75-years-old na siya, deserving si Mama Boots na magkaroon ng bonggang birthday celebration na dadaluhan ng lahat ng mga nagmamahal sa kanya at ng mga malalapit na kaibigan niya.

Ashfall hindi namalayan sa unveiling ng mga bituin sa Walk of Fame

Affected pala ng ashfall noong Sunday night ang unveiling ng mga bituin sa Walk of Fame sa Eastwood Libis dahil naranasan ng lahat ng mga bisita at fans na magkaroon ng abo ang kanilang mga damit at buhok.

Hindi raw agad namalayan ng fans ang ashfall dahil busy sila sa pagtili sa pagdating ng inductees na kinabibilangan nina Kim Atienza, Edu Manzano, Catriona Gray, Alex Gonzaga, Bro. Jun Banaag, Jiggy Manicad, Nanette Inventor, Jo Koy at Rachelle Ann Go.

Napansin lang daw ng fans ang ashfall nang makaramdam sila ng pangangati ng balat dahil umabot nga sa Metro Manila ang abo na ibinuga ng Taal Volcano nang sumabog ito noong Linggo.

FULL OF SURPRISES
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with