^

PSN Showbiz

Piolo namumuti na ang buhok

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Piolo namumuti na ang buhok
Piolo

Pero wala pa ring dyowa

Kahit marami nang puting buhok si Piolo Pascual, parang hindi pa rin naman tumatanda ang hitsura niya. Ageless.

Forty three years old na siya the other day at ang birthday wish ng lahat sa kanya, ang magka-girlfriend na.

Si KC Concepcion pa ang huling na-link kay Papa P at pagkatapos nun ay wala nang nabalitang naging dyowa niya. ‘Yung sinasabing relationship nila ni Shaina Magdayao ay walang nangyari.

Happy birthday Papa P.

Ibang kita ng #lovethrowback mapupunta sa bedtime reading

Magsasama-sama sina Ella May Saison, Luke Mejares, Nina, Juris, at Ito Rapadas ng Neocolours sa gaganaping #LoveThrowback Valentine concert franchise sa Pebrero 15 (Sabado, 8:30 p.m.) sa PICC Plenary Hall. 

Sa direksyon at konsepto ni Calvin Neria, nag-promise silang dadalhin ng #LoveThrowback3 ang mga manonood sa isang roller coaster musical journey na magpapaalala sa kanilang sakit, ligaya, kabiguan, pagkawagi, pait, at tamis ng pag-ibig.

Bahagi ng proceeds ng concert ay i-dodonate sa GASFI (Gig and the Amazing Sampaguita Foundation, Inc.) – isang non-stock at non-profit organization na pino-promote ang Twenty Minutes at Bedtime, Read With Your Child sa pagpapalakas ng family ties para mahalin ng mga bata ang pagbabasa ng libro at pag-aaral.

Nagsimula ang GASFI bilang isang book donor program na naghihikayat sa bedtime reading. Mahalaga ang papel ng organisasyon at ang mga volunteer nito kung bakit may mga libro para sa mga kabataan sa mga komunidad na walang access sa mga libro. Maliban dito, importante rin para sa GASFI ang edukasyon at makikita ito sa scholarship program nito kung saan may siyam na iskolar na sila sa kolehiyo.

Para sa tikets, kontakin ang TicketWorld sa 891-9999 o bisitahin ang www.ticketworld.com.ph.

vuukle comment

PIOLO PASCUAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with