^

PSN Showbiz

Joshua nakinabang na walang ka-loveteam!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pilipino Star Ngayon
Joshua nakinabang na walang ka-loveteam!
Joshua

Masasabi ngang gentleman talaga si Jo­shua Garcia. Noong kainitan ng mga issue na may kinalaman siya ay tumanggi siyang magbigay ng kahit na anong statement. Para sa kanya mas mabuti na manahimik na lamang. Kung tutuusin mahirap manahimik kung ganun kalaki ang controversy, pero ginawa  niya iyan.

At noong i-launch ang pelikulang Block Z nila ni Julia Barretto, may pilit pa ring nagtatanong ng mga bagay na may kinalaman sa mga issue, pero ang sinasabi nga ni Joshua na para sa kanya ay walang kahit na anong problema. Pagkatapos noon, halata mong umiwas na nga ang aktor sa iba pang mga interview.

No talk, no mistake. Iyan nga siguro ang paniwala niya. At saka tama naman siya kasi hindi talaga maganda para sa isang lalaki na magsalita pa tungkol sa ganoong mga issue. After all napatunayan naman niyang nakayanan niya iyon.

Actually may magandang epekto kay Joshua ang mga pangyayaring iyon. Napatunayan niya na hindi niya kailangan ang isang ka-love team para umangat ang kanyang career. In fact, mas umangat nga ang kanyang career noong mawalan siya ng ka-love team. Nagkaroon siya ng mga solo endorsement. Nagkaroon siya ng assignments na may kasamang ibang stars na hindi kailangang isipin ang anumang negative reaction dahil may ka-love team siya.

Kung kami ang tatanungin, dapat panatiliin na lang ni Joshua ang ganyan na wala siyang love team. Mas maganda para sa kanya at career niya.

Marami ang naniniwala na si Joshua Garcia ang isang actor na maaaring tumagal ang career. Hindi siya pang youngstar lang. Kaya nga magandng wala na lang siyang love team, malaking advantage na niya iyon.

Kahit minalas sa asawa…Sunshine sinuwerte  sa mga anak!

“I never had problems with my children. Iyon siguro ang suwerte ko. Hindi nga ako naging masuwerte sa aking married life, pero hindi ko pinagsisisihan iyon because I had my three children na kahit na kailan hindi ko naging problema,” sabi ni Sunshine Cruz.

Siguro nga, at inaamin niya, ang tingin niya noong una ay problema dahil nagpakahirap nga namang siyang mag-isa sa magpapalaki ng kanyang mga anak, pero gumanda naman ang career niya kaya nakaya niya iyon.

“I think all children naman are good. Basta ang mga bata naging problema, pag-aralan mong mabuti, sigurado may problema rin ang mga magulang. Kung hindi, at napalaki mo sila na natuturuan ng tamang values, hindi mo magiging problema ang mga anak mo,” sabi ni Sunshine.

Naniniwala kami talaga sa sinasabi niyang ganoon.

Samaan ng loob ng dalawang showbiz personality, pera ang pinagmulan

Nakakahiyang isipin na ang ugat pala ng samaan ng loob ng dalawang malaking showbiz personalities ay pera lamang. Naniniwala ang isa na dapat siyang tulungan sa naging problema nung isa. Ang paniwala naman noong isa, bakit pati siya kailangang magdala ng problema na ang dahilan ay iyon mismong umaaway sa kanya at ang asawa noon?

Sinasabi nga niya na hindi na nga siya nagsasalita, pero talagang umiiwas na siya kasi pinipilit siyang sumali sa isang responsibilidad na wala naman siyang kinalaman talaga.

vuukle comment

JO­SHUA GARCIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with