Marvin magbibigay ng discount sa mga hindi gagamit ng cellphone habang kumakain
Marvin
Marvin magbibigay ng discount sa mga hindi gagamit ng cellphone habang kumakain
SHOW-MY - Salve V. Asis (Pilipino Star Ngayon) - January 12, 2020 - 12:00am

Nagpa-planong magbigay ng discount si Marvin Agustin sa lahat ng client ng mga restaurant na ka-partner siya na hindi gagamit ng cellphone habang kumakain.

Sa kanyang IG ay nag-post ang actor / businessman ng photos ng isang family na lungkot na lungkot ang mga anak habang all smile ang tatay na naghihintay ng order. Yun pala may discount sa nasabing restaurant ang mga hindi nagce-cellphone sa restaurant. ‘Brilliant idea by a restaurant in Australia. No cellphones means 10% discount on bill. The parents love it. The kids???”

Napa-react si Marvin : “Kids will not like me at all, but i think i should do this here in Manila! Tipid na sa internet, masaya pa si mommy and daddy.” 

Marami namang nag-agree na followers niya para raw maka-concentrate ang lahat sa pagkain.

Hmmm. Why not. Magandang promo siguro ito sa mga restaurant ng actor na parang hindi masyadong tinatao.

May isang restaurant si Marvin na alam kung kasosyo siya sa isang not so high end mall sa Makati pero sa tuwing napapadaan ako laging halos walang tao.

Push mo ‘yan Marvin.

MARVIN AGUSTIN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with