Coleen
Katigasan ng ulo ni Billy binuko ni Coleen
SHOW-MY - Salve V. Asis (Pilipino Star Ngayon) - January 12, 2020 - 12:00am

Kunya-kunyaring napa-walkout si Billy Crawford nang tanungin ni tito Boy Abunda ang misis nitong si Coleen Garcia nang mag-guest sa Tonight With Boy Abunda ng “kung bibigyan mo ng pangalan ang private part ni Billy what name would you give?”

“Oh my God. Pototsky. Hahahaha,” ang sagot ni Coleen habang ang lakas ng tawa.

Pinakita kasi sa screen na tumalikod si Billy na kasama ni Coleen sa studio nang mag-guest ito sa show ni tito Boy last Friday night para sa promo ng pelikula niyang Mia na showing na sa Wednesday, January 15.

Bigla tuloy napatanong ang ibang nanonood ng “ay ang pototsky ba dyutay ang meaning?”

Dyutay o pototsky nga ba si Billy?

Eh nauna nang tinanong si Coleen kung anong pinaka-matigas na bahagi ng katawan ng singer / TV host, ang sagot nitong una “Yung baba. Ay hindi pala, ‘yung ulo, kasi matigas ang ulo niya,” sagot ng dating It’s Showtime host na tawa naman ng tawa.

Anyway, wala naman talaga sa hitsura ni Coleen na unhappy siya sa piling ng asawang singer / host.

Ang ganda-ganda niya nang dumalo sa premiere night ng pelikulang Mia at  walang pinipiling anggulo si Coleen sa Mia. Kahit na nga lasengga ang role niya, ganda pa rin nito.

Nakakataka ngang wala siya ngayong regular show sa ABS-CBN.

Issue ng climate change, love, letting go and healing ang tema ng Mia na leading man si Edgar Allan Guzman na gumanap na isang forester sa pelikula na dinirek ni Veronica Velasco for 360 Insight ni Chris Cahilig and Viva Films.

BILLY CRAWFORS COLEEN GARCIA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with