^

PSN Showbiz

Angeline, inamingnahubaran ng bra sa traslacion

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Angeline, inamingnahubaran ng bra sa traslacion
Angeline

Ay nahubaran pala ng bra si Angeline Quinto sa Traslacion last Thursday.

May ilang netizen kasing umaapela na nadaanan ng singer sa palakasan kaya siya nakaakyat sa Andas kasama ang mga miyembro ng Hijos del Nazareno hanggang sa simbahan. Ang Hijos del Nazareno ang tumutulong sa maraming devotees na maipunas ang kanilang mga towel.

Emote ng ibang netizen bakit ganun, si Angeline nakaakyat samantalang sila, hindi man lang daw nakahipo at nakalapit sa Andas.

Sagot ni Angeline sa kanyang social media account, “Hehehe diskarte lang Tol.  Ako nga puro pasa. Dumugo pa ilong ko. Kasama ko nawalan pa ng Bra,” sabi ng singer / actress na kilala naman talagang devotee ng Mahal na Nazareno.

Paliwanag niya pa, nahirapan kasi siyang bumaba ng Andas kaya nakaabot siya ng simbahan na nakasakay at nagso-solong babae sa Andas.

“Te, nahirapan din ako umakyat, pero mas di ko talaga keri yung pababa hahaha. Kaya umabot na sa simbahan. Wag ka gigil magagalit Mahal na Poon. Pare pareho tayo ng panata. Sabay ka sakin next year tutulungan kita,” paliwanag pa ni Angeline.

Isa pang sinagot ni Angeline na naghahanda na para sa Valentine Concert nila ni Jed Madela na Voices For Love on February 12 at the Marriott Grand Ballroom na si tita Annabelle Rama ang producer, ay bakit nakipagsabayan pa siya sa pagpunas samantalang lagi namang nasa simbahan ang imahe ng Mahal na Nazareno. “Sa tingin din naman namin, mas hindi gusto ng Diyos ‘yang ginagawa mo. Kung wala kang alam sa buhay ng namamanata sa Poong Nazareno, wag ka ng magsalita ng kung ano ano. At oo alam namin araw araw ang Poon nasa Simbahan ng Quiapo, at isang beses sa isang taon lang ang kapistahan,” buwelta niya pa sa netizen na naghihimutok.

Makikita rin sa mga nagkalat na video nung Traslacion na nakitulong pa si Angeline sa Hijos del Nazareno sa pagpupunas ng mga towel ng mga deboto na inihahagis sa Andas.

Kung may mga nagne-nega, marami rin naman ang pumupuri sa singer / actress sa ginawa niyang devotion sa Black Nazarene  na tuwing January 9 ang Feast Day.

Sino nga naman ang ibang babaeng celebrity ang nagpakita ng ganung lakas.

Sikat si Angeline at kahit sinong makakita sa kanya sa nasabing procession ay makikilala siya pero hindi siya natakot na malamog ng maraming namamanata rin.

Hindi mo naman kasi mababantayan. Pag may gustong manghipo sa ‘yo mahahabol mo ba?

Eh narinig ko sa ilang reports na may mga nag-complain sa mga police nung Traslacion na nahipuan sila habang nasa prosisyon.

Laging sinasabi ni Angeline na eight years old pa lang nang mag-start siyang maging devotee ng Black Nazarene.

Ngayon ay 30 years old na siya. 

Kasama kaya sa ipinagdarasal ni Angeline sa Mahal na Nazareno ang lovelife niya?

Ang tagal na ring walang balita tungkol sa lovelife niya. Si Erik Santos pa ang huling na-link sa singer/actress.

Aminado si Angeline na ang kanyang Mama Bob at career ang paulit-ulit niyang pinagpi-pray tuwing magpupunta siya sa Quiapo Church every first Friday of the month.

vuukle comment

ANGELINE QUINTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with