^
James, nagmukhang may edad hindi binagayan ng bagong image!
James

James, nagmukhang may edad hindi binagayan ng bagong image!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon (Pilipino Star Ngayon) - January 11, 2020 - 12:00am

Nagulat kami sa nakita naming pictures ni James Reid. Hindi namin siya nakilala agad eh, malaki kasi ang ipinagbago ng kanyang hitsura. Medyo humaba ang buhok, may manipis na bigote at balbas. Parang tumaba rin ang mukha. Huwag namang magagalit ang fans pero nagmukhang matanda si James kaysa sa kanyang tunay na edad.

Iyong pagpasok ni James noon sa isang reality show, talagang bata pa siya. Noong sumikat siyang una, mas nagmukha pa siyang bata dahil sa styling na ginawa sa kanya. Ang naging marketing strategy kasi ng Viva ay gawin silang youngstars.

May nagsasabi naman na siguro sinasabayan ni James ang image ng kanyang live in partner na si Nadine Lustre na mature na rin ang image, in fact marami ngang lumabas na sexy pictures niyang naka-suot ng bikini.

Baka naman gusto nila na kung magbabalik man sila sa pelikula o sa telebisyon ay matured na ang kanilang dating.

Pero mukhang malabo pa ang ambisyong iyan, dahil si Nadine ay may existing contract pa sa Viva, walong taon pa, samantalang si James ay nakapirma na yata sa iba. Papaano mo pa nga ba sila mapagsasama sa isang pelikula?

Pero aywan, ito opinion lang naman natin. Parang mas wholesome at mas guwapo si James sa dati niyang image, doon sa dati niyang ayos. Wala namang nababago pa sa kanyang mukha eh, iyon lang ayos niya.

Siguro rin gusto naman niya ng new look para sa kanyang musika, pero dapat niyang isipin na ang bibili ng kanyang mga kanta kung sakali, ang majority ay naging fans pa rin niya dahil siya ay isang artista at hindi dahil singer siya.

Sana ibalik na lang ni James iyong dating porma niya.

Beteranong produ magiging aktibo sa ginagawang pelikula

Nagulat kami noong isang gabi sa isang mall malapit na sa bahay namin. May dalawang sinehan pang natira, ang pelikula ni Aga Muhlach. Bale third week na niya ngayon. Dalawa lang din ang sinehan ng masyadong kinatakutan nilang Star Wars, na mukhang nabigong gulatin ang Pinoy audience.

Iyan ang isang kaso na ang isang pelikulang Pilipino ay kayang maki­pag­sabayan sa malaking pelikulang dayuhan dahil gusto ng tao. Ang problema, pagkatapos ng festival, ano na namang mga pelikula ang lalabas? Puro na naman low budget films na ang artista ay puro mga starlet lamang, kaya ano ang aasahan ninyo? Sasabihin na naman nila na talagang may krisis.

Pero natuwa kami sa narinig naming isang beteranong film producer daw ang nakahalata na matagal na siyang nalulugi, dahil mahina sa diskarte ang pinamamahala niya sa kanyang kompanya, kaya gusto na niyang bawiin at siya na ulit ang magpatakbo noon. Sige nga, baka mas tumino.

Walk of Fame bukas na uli

Bukas ha, open naman sa publiko ang muling pagtatalaga ng stars para sa inductees ng Walk of Fame Philippines sa Eastwood. Maaari kayong magpunta roon para makita ninyo ang pagpaparangal sa mga personalities na isasali na nila ngayong taon.

Sinabi ni Federico Moreno, ang anak ni Kuya Germs na siyang president at CEO na ngayon ng Walk of Fame Philippines, ang seremonya ay magsisimula sa ganap na 5:30 ng hapon, at special guest si Yorme Isko Moreno ng Maynila. Si Yorme ay alumnus ng That’s Entertainment at iyan ay talagang nagsimula ng career kay Kuya Germs.

Bale pag-alaala na rin iyon sa ika-apat na taon ng pagyao ni Kuya Germs noong January 8.

 

JAMES
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with