^

PSN Showbiz

Showbiz ganap ‘di maubos-ubos, pinag-usapan sa Take It…

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Showbiz ganap �di maubos-ubos, pinag-usapan sa Take It�

Balik-Tuesday kahapon ang Take It…Per Minute natin Salve at ang saya-saya ng episode dahil maraming issues ang sumam­bulat noong holiday season, ang pagiging number one sa 45th Metro Manila Film Festival ng pelikula ni Aga Muhlach, ang Miracle in Cell No.7 na tumalo sa palaging number one movies ni Vice Ganda sa December film festival.

Bongga rin ang opening salvo ng GMA 7, ang All-Out Sundays, ang Sunday noontime musical variety show ng GMA 7, ang pagsasama nina Martin Nievera at Pops Fernandez sa Twogether concert nila sa Solaire at  ang ‘D Ninang movie ng Regal Entertainment Inc.na pinagbibidahan ni AiAi delas Alas.

Ang dami-daming ganap sa showbiz sa pagpasok ng 2020 kaya masaya ang first show kahapon ng Take It…Per Minute.

Gusto ko rin nga pala ang pagsasayaw ng Tala nina Maine Mendoza at Arjo Atayde na talagang ikinagulat ng lahat.

Ang cute panoorin nina Maine at Arjo habang sumasayaw sila sa tugtog ng hit song ni Sarah Geronimo.

Ipinakita ni Arjo na hindi lamang ito magaling na character actor dahil good dancer din siya kaya lalong na-in love sa kanya si Maine.

Tanggap na ng ibang AlDub fans na si Arjo ang boyfriend at puwedeng maging forever companion ni Maine.

Sumayaw rin sa pilot telecast ng All-Out Sundays sina Alden Richards at Julie Anne San Jose na friends na uli kaya nabuhay uli ang DenLie loveteam nila. Hoping ang fans nina Alden at Julie na magkakaroon ng spark ang muling pagsasama nila sa All-Out Sundays.

Dog lovers ginagastusan ang mga alaga

Ang mga personality na may mga alaga na aso na mahigit sa labinglima ang topic kahapon sa Bawal Judgmental, ang pinag-uusapan na game segment ng Eat Bulaga.

Natuwa ako nang malaman ko na mahilig pala sa aso sina Sanya Lopez at Rey “PJ “ Abellana kaya umapir sila kahapon sa Bawal Judgmental.

Nabanggit ni Papa Joey de Leon ang pangalan ko sa Bawal Judgmental nang ikuwento niya na dati, 51 dogs ang alaga ko sa bahay pero 38 na lang dahil pinakasalan ko ‘yung iba.

Joking lang po si Papa Joey, true na marami ang aso na inaalagaan ko pero hindi totoo na pinakasalan ko ‘yung iba.

Pero very true na mas loyal ang mga aso kesa sa mga tao kaya love na love ko ang pet dogs ko.

Kasama sa Eat Bulaga studio ng mga naglaro sa Bawal Judgmental ang ilan sa kanilang mga pet dog.

Na-in love si Allan K. sa Chow Chow dog na mukhang teddy bear kaya buy niya kaagad ang cute na cute na aso sa tumataginting na halaga na P40,000.00.

Sulit ang spur- of- the moment decision ni Allan na bilhin ang Chow Chow dog na parang maliit na baby.

Ang Corgi dog naman ang type na type ni Pia Guanio pero naloka siya nang malaman niya na very expensive ang presyo. Sosyal ang Corgi dogs dahil ito ang breed ng aso na paborito ni Queen Elizabeth. Maraming alaga na Corgi dogs ang reyna ng United Kingdom.

vuukle comment

45TH METRO MANILA FILM FESTIVAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with