^

PSN Showbiz

Pangalan ng anak ni Solenn hindi masabi ng tama

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

One week old na si Thylane Katana (kahapon, January 7), ang anak nina Solenn Heussaff at Nico Bolzico at sa IG Story ni Solenn, nakitang first time niyang ginupitan ang kuko ng kanyang baby. Sabi nito, “Not as scary as i thought. Cut and filed her nails when she was asleep. Happy there are things liken this out there.”

Nabanggit din ni Solenn na marami siyang biniling blanket sa baby nila ni Nico, pero ang gamit ng baby that time raw ang favorite nito. Paano kaya nasabi ni Solenn ‘yun, eh one week pa lang si baby.

Pansin namin, malapit nang ipakita ni Solenn ang mukha ni Baby Thylane Katana dahil ipinasilip na nito ang tenga at mga daliri. 

Samantala si Nico, may video na nagtuturo ng right pronounciation ng name ng baby nila. Kinorek pa nga siya ni Solenn dahil mali ang pagkakasabi niyang Thylan Katana ang name ng baby nila. Lumapit si Solenn para sabihing “Thylane Katana” ang tamang bigkas sa pangalan.

Gabbi mabilis naka-close si Alden

Masaya si Gabbi Garcia nang makausap namin pagkatapos ng airing ng pilot episode ng All-Out Sundays. Sabi nito, komportable agad silang magkakasama dahil karamihan sa kanila ay magkakasama rin sa Studio 7. May mga nadag­dag lang na first time makakatrabaho ni Gabbi, but basically, magkakakilala sila, kaya walang problema ang production.

Napansin namin na laging magkadikit sina Gabbi at Julie Anne San Jose, kaya ang feeling namin, kundi sila nabigyan ng chance to be close sa Studio 7, dito sa All-Out Sundays, magiging close na sila. Sila ang halos magkapareho ang edad at maraming mapag-uusapan, si Kyline Alcantara naman ay si Cassy Legaspi ang ka-close.

Sabi ni Mario Bautista, ramdam at kita na comfortable agad sina Gabbi at Alden Richards na pinagsama sa game segment na show. Unlike with Julie Anne na halata raw na may ilangan sina Alden at Julie Anne.

Normal lang ang ilangan kina Alden at Julie Anne dahil nagka-isyu sila at may fans pa na ayaw silang pagsamahin sa show.

Sa rami nang itinanong kay Gabbi, nakalimutan naming tanungin ito sa reaction niya na in-unfollow siya sa Instagram (IG) ng friend niyang si Julia Barretto. Pati nga raw ang BF ni Gabbi na si Khalil Ramos, in-unfollow rin ni Julia. Maganda sanang marinig ang sagot ni Gabbi sa isyung ito, pero nakalimutan naming itanong.

Sharon, favorite si Frankie 

Disable pa rin ang comment box ng Instagram (IG) ni KC Concepcion kung saan, binati niya ng happy birthday ang mom niyang si Sharon Cuneta. 

Curious tuloy ang marami kung ano ang pinagkatampuhan ng mag-ina at hindi na rin binanggit ni Sharon ang birthday message sa kanya ni KC sa kanyang IG. Sa halip, ang birthday message ni Frankie Pangilinan ang sinagot niya. 

Nabanggit ni Sharon na fan siya ng singer na si Boy Pablo at pinaliwanag kung bakit “professional book wrapper” ang tawag sa kanya nito. Lahat ng libro sa collection niya ay binabalot niya ng plastic.

Sa huli, ang “And I love you, my Kakie. You cannot possibly love me more, so stop it. Hahaha!”

May nag-comment kung bakit hindi binanggit ni Sharon ang post ni KC, lalo na raw ngayon that KC needs her mom? Tingin ng netizens, favorite daughter ni Sharon si Frankie dahil nahanap niya rito ang kanyang best friend.

May tampuhan nga ang mag-inang Sharon at KC, hintayin natin na makapag-usap sila, magkapaliwanagan at tiyak, maaayos din nila kung anuman ang hindi nila mapagkasunduan.

vuukle comment

SOLENN HEUSSAFF

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with