Vice, Coco at Vic
Vice, Coco at Vic nadikitan ng malas sa MMFF?!
ISYU AT BANAT - Ed de Leon (Pilipino Star Ngayon) - January 7, 2020 - 12:00am

Marami ang nagsasabing hindi naman pala nalampasan ang box office record ni Vice Ganda, kundi mahina lamang ang pelikula niya ngayon. Karaniwan sa pelikula ni Vice lalo na kung Metro Manila Film Festival ay umaabot sa 400 milyon. Ngayon lang nangyaring mahigit na 300 milyon lang ang kita niya. Ibig sabihin bumaba nang malaki. Natural naghahanap ng sisisihin kung bakit nangyari ang ganoon.

Pero mukhang unfair iyong pinakakalat nila na mukhang malas si Vice dahil sa kanyang love life ngayon. Ngayon lang inaamin ni Vice ang pagkakaroon ng relasyon at pagkakaroon ng boyfriend. In the past itinatago iyan ni Vice, at ewan naman kung bakit nasabayan nga ng malas. Pero hindi naman kami pabor na pagbintangang malas nga si Ion Perez kay Vice. Baka naman nagkataon lang na mahina talaga ang pelikula niya.

Isa pa si Coco Martin, minalas din naman ngayong taong ito. May panahong kumita iyan ng 350 milyong mahigit, pero ngayon hindi naka-arriba ang pelikula niya. Ang sinasabi naman nilang naka-apekto ay ang pag-gamit niya sa character na Paloma, at pagsusuot babae. Ang tingin ng publiko sa kanya ay isang action star, at bakit nga ba gusto pa niyang kumpitensiyahin si Vice sa pagdadamit babae? Doon sinasabing nawala ang malaking bahagi ng audience niya na ang inaasahang mapapanood ay isang action star, pero hindi ganoon ang nakita nila sa parada pa lamang.

Sa kaso ni Vic Sotto, may sinasabi rin silang “kasi may nasabit ding malas”. Hindi naman artista kung hindi isang nasampid lang sa pelikula na sinasabi nga ni Wendell Alvarez na “wala pang pelikulang nakasama iyan na naging hit”. Ang tingin naman namin, mukhang mabigat na iyong ginagawa ni Vic na laging pinapasan ang kanilang mga “dabarkads”. Simula noong laging sila na lang ang magkakasama sa pelikula, hindi na na­ging top grosser si Vic.

Ang festival ngayon, hindi man lang naka-abot sa kinita ng festival noong nakaraang taon.

Sino naman kaya malas sa festival?

Kathryn walang kalaban sa 2020

Sabi ng isang observer, mukha raw sa taong 2020, huwag lang magkakamali ng diskarte si Kathryn Bernardo ay siya ang mangingibabaw sa mga batang aktres natin. Mukhang may punto dahil dalawang ulit na siyang gumawa ng box office record sa dalawang magkasunod na taon, ang problema nga lang kapag wala siyang kinita nang ganoon din kalaki ngayong 2020.

Pero walang female star na mukhang aangat nang todo sa taong ito. Si Nadine Lustre, parang magulo ang career. Si Liza Soberano, hindi na nakakawala sa kanyang love team. Si Maine Mendoza parang lumipas na rin ang magic. Eh sino pa nga ba ang mailalaban mo kay Kathryn? Si Julia Barretto naman masyado pang nega at mukhang wala pang pag-asa.

Manager malakas sa ‘padding’

Ibang klase rin ang raket ng isang manager, ang tawag sa kanya “Ms.Padding”. Kasi nga panay ang padding niya sa pagkuwenta ng gastos para sa kanyang mga “alaga”. Maski sa ibang trabaho niya, talagang puro padding pa rin.

Nabuko na iyan sa dalawang company na pinasukan niya noon, na puro padding ang kanyang ginagawa, aywan nga ba kung bakit hanggang ngayon may nabobola pa rin. Iyan malas din talaga, dahil lahat ng madikitang kumpanya niyan bumabagsak.

Hindi ba Wendell Alvarez?

VICE GANDA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with