Catriona
Catriona nag-birthday sa Showtime
SEEN SCENE - Jojo Gabinete (Pilipino Star Ngayon) - January 7, 2020 - 12:00am

SCENE: Nagbubunyi ang cast at production staff ng All Out Sundays dahil mataas ang ratings ng pilot episode ng kanilang programa na nagtala ng 6.1 percent ratings.

SEEN: Ang balita na hindi lamang lovers sina Sheryl Cruz at Jeric Gonzales sa Magkaagaw dahil diumano, nagkakamabutihan din sila sa tunay na buhay. Mula nang makipaghiwalay si Sheryl sa asawa nito na si Norman Bustos, walang ibang lalake na na-link sa kanya.

SCENE: Ngayon, Janua­ry 7, ang huling araw ng 45th Metro Manila Film Festival kaya hinihikayat ang mga hindi pa nanonood na tangkilikin ang mga pelikula, lalo na ang mga nangungulelat sa takilya.

SEEN: Kahapon, January 6, ang 26th birthday ni Miss Universe 2018 Catriona Gray at naging memorable ito dahil nagsimula kahapon ang limited engagement niya bilang co-host ng It’s Showtime. May mga request na gawin na siya na permanent co-host ng programa.

SCENE: Nanindigan ang Prima Donnas actor na si Will Ashley na hindi totoo ang balita na nagkakamabutihan na sila ni Jillian Ward pero open siya sa idea na maging loveteam sila.

SEEN: Ang Korean movie na Parasite ang nanalo na Best Foreign Language Film sa 77th Golden Globe Awards na ginanap kahapon (Sunday night, California time) sa The Beverly Hilton, Beverly Hills, California. 

SCENE: 77th Golden Globe awards best drama actor for motion picture si Joaquin Phoenix (Joker), best drama actress si Renee Zellweger (Judy), best supporting actor si Brad Pitt (Once Upon a Time in Hollywood ), best supporting actress si Laura Dem ( Marriage Story), best motion picture ang 1917 (drama) at Once Upon a Time in Hollywood (musical or comedy ) at best director si Sam Mendez (1917).

CATRIONA GRAY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with