ASAP at AOS may patalbugan sa ratings
SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula (Pilipino Star Ngayon) - January 7, 2020 - 12:00am

Kung todo sa tala dance ang buong bansa sa ASAP Natin ‘To last Sunday, bumirit at nagpatawa naman ang mga Kapuso artists sa All-Out Sundays nung nakaraang Linggo.

Pero ayon sa AGB NUTAM, wagi ang pilot episode ng AOS na kung saan naka-6.1 percent ito, samantala 5.7 percent naman ang ASAP.

Kaya naman tuwang-tuwa ang Kapuso network.

Siyempre, iba naman ang survey ng Kantar Media na kung saan wagi ang ASAP ayun sa kanila. Naka-11.7 percent daw ang ASAP at 9.7 naman ang AOS ayon sa Kantar.

Pero maganda rin ang rating ng iba pang Kapuso shows nung nakaraang weekend.

 KC may problema sa weight?!

Todo emote ang Megastar Sharon Cuneta nang ipinagdiwang niya ang kanyang 54th birthday sa ASAP Natin ‘To nung nakaraang Linggo.

Nagbigay siya ng song number kasama ang mga anak na sina Frankie at Miel Pangilinan. Kapagkuwan ay nagbigay ng mensahe ang asawa niyang si Senador Kiko Pangilinan, na katabi ang bunso nilang si Miguel.

Aniya; “Pasensya na ho, medyo emotional ako. Kasi, nagulat ako sa mga surprise.

“At saka... kasi, alam ko, apat ang anak ko, e...”

Natigilan sandali si Sharon bago nagpatuloy, “Salamat sa lahat ng anak-anakan ko. Thank you, Frankie, Miel and Miguel for giving importance to Mama, and loving me, and being respectful and kind, grateful children.” At yumakap si Miguel sa kanya.

“I hope you emulate Ate Sarah (Geronimo) who’s such a good child din. She’s been so blessed because of that.

“Or Mama Reg (Regine Velasquez), or Mama J, Mama Juday (Judy Ann Santos).”

Nagpasalamat si Sharon sa Panginoon, at sa Sharonians na minamahal siya sa loob ng 42 taon.

Dagdag ng Megastar, “Ipinagdarasal ko rin lahat ng aking mga anak. Na sana, lumaki kayo na nakatapak ang mga paa sa lupa.

“Huwag nakalilimot sa pagmamahal ng magulang.

“At sa lahat ng nagawa ng mga magulang ninyo sa inyo...”

Nagpasalamat din si Sharon sa asawa na pinupunas ang kanyang pawis at luha, at nagbiro na, “Thank you for all the years that you remain faithful. And true.

“And hindi mo man kamukha si Brad Pitt, andami naman niyang problema. Tayo, wala!”

Ang tanong ng karamihan, nasaan si Ate KC Concepcion?

May pinagdaanan kaya ang mag-ina?

Sabi naman ng ilang nakaalam sa ilan nilang kuwento, medyo may kalusugan daw ngayon ang aktres. Kaya siguro ayaw naman niyang lumabas sa TV.

Mukhang okay naman ang mag-ina, at baka may pag-uusap naman sila sa pribadong lugar.

Boto naman kaya si Mama Shawie kay Apl.de.Ap na nakakamabutihan na raw ni KC?

ASAP
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with