William
William Martinez ayaw nang buhayin ang relasyon sa ex misis na si Yayo
SHOW-MY - Salve V. Asis (Pilipino Star Ngayon) - January 6, 2020 - 12:00am

Almost 12 years na rin palang hiwalay ang mag-asawang William Martinez at Yayo Aguila pero tuwing makikita si William ng kahit sino, kinukumusta pa rin sa actor ang dating misis na actress.

Kasi naman hanggang ngayon pala, wala rin siyang nagiging girlfriend after Yayo.

Si Yayo raw ay nag-try ng ibang partner pero hindi nag-work kaya sinasabihan sila ng mga anak nila.

“Yung mga anak kasi namin. Hindi mo naman puwedeng awayin ang ex wife mo.

“Si Yayo nag-try din, ako nag-try din ako.

“Naghanap kami ng ka-match namin, wala kaming naka-match. Hindi talaga nagwo-work.

“Kaya sabi ng mga anak ko, pagka may occasion, puwede kaming magsama-sama parang one family,” kuwento ng dating matinee idol nang makausap namin after the presscon ng pelikulang Mia starring Edgar Allan Guzman and Coleen Garcia.

“Friends kami. Basta nasa kanya ang mga anak namin.

“Patay na ang pagmamahal, hindi na puwedeng buhayin, baka mangamoy bangkay,” sagot pa niya nang tanungin kong may chance pa bang magkabalikan sila ng dating asawa.

Eh si Maricel Soriano may contact ba siya?

“Nang makita ko si Maricel Soriano, mukhang matrona na siya,” sabay tawa ng dating ka-love­team na malamang ang ibig sabihin ay nagkaedad na tulad niya.

Si Dina Bonnevie naman daw ay nadagdagan na ang weight habang si Snooky naman  ay tinanggihan niya nang alukin siyang lumabas sila. “Baka may makakita sa amin. Ma-misinterpret. Kaibigan ko ang boyfriend niya,” chika pa nito.

Sa ngayon ay wala siyang gustong i-date sa showbiz dahil puro bata at walang pang-load.

Hahaha.

Actually, mukha ayos na si William sa kasalukuyan dahil pati ‘yung pangho-holdap daw sa kanya bago siya na-stroke almost ten years ago ay kinuwento niya.

“Ito naholdap ako, 2010 noon. Mga 4:00 am. Tinawagan ako ng friend ko kasi papunta ako ng Singapore noon. Andun na raw ‘ung dollars na baon ko. Pag sakay ko ng Benz, may sumakay na lalaki tinutukan ako, tapos sa kabila sumakay ‘yung isang babae. Kinuha lahat ng pera ko. Bigay ko yung lahat ng pera ko, tangay talaga lahat.

“Pumikit lang ako. Hindi ako gumagalaw.

“Pagmulat ko wala na.

“Sabi ko sa mga kaibigan ko naholdap ako. Akala nila nagjo-joke ako.

“After a week, na-stressed ako, na-stroke na ako. Nahihiya kasi ako sa mga kaibigan ko kasi baka naman sabihin nila niloko ko sila,” pag-alala ni William sa mga nangyari sa kanya noon.

Born again na siya ngayon ay wala nang galit na nararamdaman kahit diumano’y tinanggihan siya ni Maricel noon na maka-trabaho sa The Gene­ral’s Daughter.

Anyway, maganda ang role ni William sa pelikulang Mia kung saan siya ang gumanap na tatay ni Edgar Allan Guzman.

Hanga si William sa mga katrabaho niya sa pelikula lalo na sina EA at Coleen Garcia na gumanap na Mia.

Samantala, kung Mia ang pangalan mo, libre kang makakapanood ng special screening ng nasabing pelikula na dinirek ng mahusay na si Veronica Velasco for 360 Insight ni Chris Cahilig and Viva Films.

Kaya kung Mia ang name mo punta na sa National Mia Day na gaganapin sa January 13 sa Cinema 1 ng SM Megamall.

COLEEN GARCIA EDGAR ALLAN GUZMAN WILLIAM MARINEZ YAYO AGILA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with