Sen. Cynthia
OFWs kulang sa proteksyon?!
TAKE IT TAKE IT - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - January 5, 2020 - 12:00am

Kawawa naman ang mga kababa­yan natin na nagtatrabaho sa ibang bansa na sinasaktan ng kanilang mga amo at humahantong pa sa kanilang pagkamatay.

Malaking hamon sa labor department natin ang latest incident na nangyari sa Kuwait, ang pagpatay sa Filipina domestic helper na si Jeanalyn Padernal Villavende ng kanyang Kuwaiti employer noong December 2019.

Pumupunta sa iba’t ibang bansa ang mga less fortunate kababayan natin para magtrabaho at mabigyan ng magandang buhay ang kanilang pamilya.

Tinitiis nila ang sobrang lungkot na nararamdaman sa mga bansa na wala silang kakilala pero pagmamaltrato pa ang natitikman nila.

Madalas pa na nangyayari na dahil nga nasa malayong lugar ang mga ina, hindi nila nagagabayan ang mga anak na naiwan sa Pilipinas.

Kung minsan, sayang lang ang kanilang mga kinikita sa abroad dahil wala rin magandang nangyari sa mga naiwan nila sa Pilipinas.

Ang pagtitiis na malayo sila mula sa mga mahal nila at sa mga kaibigan na puwedeng tumulong sa kanila para lang gumanda ang buhay nila at ng sinusuportahan na pamilya.

Totoo na ang mga OFW ang mga bagong bayani natin kaya sana naman, maayos ng pamahalaan ang kalagayan nila.

Mabigyan sana sila ng sapat na proteksyon at kahit gaano kababa ang trabaho nila, manatili ang mataas na pagtingin sa kanila ng ibang lahi  dahil protektado sila ng ating pamahalaan.

Ipadama natin sa ibang lahi na mahal natin ang mga kababayan na  nagtatrabaho sa kanilang bansa. Dignity in labor. Respect for the workers. Protection for our new heroes. Please.

Mama Cynthia nabahala rin

Ikinabahala ni Senator Cynthia Villar ang nangyari kay Villavende kaya naglabas siya ng official statement na humihikayat sa Department of Labor and Employment na ipatupad ang deployment ban hanggang hindi nabibigyan ng proteksyon ang Filipino OFW’s.

“[The] DOLE (Department of Labor and Employment), through the POEA (Philippine Overseas Employment Administration), should maintain the deployment ban until sufficient reforms are in place to ensure the safety, honor, and dignity of our OFWs in Kuwait.

“Let us scale down the deployment of domestic workers to the Middle East until such time that we are able to put in place a more effective monitoring system onsite.

“ Because this is a business, recruitment agencies will accept job orders for domestic workers that may already be beyond their capacity to monitor. This is one aspect of overseas employment that deserves our serious attention,” ang apela ng aking favorite lady senator.

Bagong Kapuso Sunday show may halong comedy

Paolo

Maganda ang casting ng All Out Sunday. Bidang-bida si Alden Richards na maituturing na isang tunay na well rounded artist dahil puwede siya sa drama, singing, dancing at hosting.

Type ko rin ang composition ng comedy side ng All Out Sunday dahil kasali ang comedians na sina Paolo Contis, Tekla, Betong, Boobay at ibang comedians.

Kasali rin ang mga young star ng GMA 7 at ang winners ng mga reality talent show na dapat lang na mabigyan ng chance.

CYNTHIA VILLAR DOLE PAOLO CONTIS POEA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with