^

PSN Showbiz

Kathryn, game na sa digital project

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Kathryn, game na sa digital project
Kathryn

Magiging abala si Kathryn Bernardo ngayong taon dahil sa kabi-kabilang proyektong nakatakdang gawin. Malapit nang simulan ang taping ng pinakabagong teleseryeng pagtatambalan nila ng kasintahang si Daniel Padilla. “Sabi nga namin konting hintay pa kasi ‘yung hinahanda namin as in pinapaganda talaga ng Dreamscape rin. Para maganda natin simula ‘yung 2020. So I’m very excited,” nakangiting pahayag ni Kathryn.

Bukod sa paggawa ng soap opera at pelikula ay nakahanda na rin umanong sumabak ang aktres sa paggawa ng isang digital project na maaaring mapanood ng mga tagahanga sa iWant.ph. “Oo, open ako. Parang kapag may magandang materyal parang, ‘Okay!’ At hindi ‘yung tipikal na story ang mapapanood mo. So kapag may magandang materyal game naman,” paglalahad ng dalaga. 

Matatandaang maganda ang naging resulta ng pelikulang Hello, Love, Goodbye na pinagtambalan nina Kathryn at Alden Ri­chards noong isang taon.

 Kinilala ang naturang proyekto bilang highest grossing Filipino film of all time. Kaya ngayon pa lamang ay pinakaaabangan na ng mga tagahanga ang mga bagong proyektong nakatakdang gawin ng aktres.

Angel, magdadahan-dahan muna sa showbiz para paghandaan ang kasal

Puspusan na ang ginagawang paghahanda ni Angel Locsin para sa nalalapit nilang kasal ni Neil Arce. Pinag-usapan noong isang taon ang tungkol sa naging engagement ng magkasintahan. “Medyo nag-stop kami sa preparation (noong isang taon) kasi medyo nag-advance kami ng konti. But back to wedding preparations na ulit,” pagbabahagi ni Angel.

Maraming netizens ang bumabatikos sa relasyon ng magkasintahan. May ilang mga nagsasabi sa social media na hindi umano magtatagal ang pagmamahalan nina Angel at Neil. “Siguro may mga taong nasasaktan kapag may nakikitang masaya ang tao pero ‘wag po kayong mag-alala, kasi dati rin akong nasa ganyang posisyon. Darating din ang mga taong para sa inyo magugulat na lang po kayo,” paliwanag ng aktres.

Samantala, kahit pinaghahandaan na ang pag-aasawa ay magi­ging aktibo pa rin naman si Angel sa show business. Hindi iiwan ng dalaga ang pagiging isang artista kahit magkaroon ng asawa at sariling pamilya.

 Sa ngayon ay hinay-hinay muna sa trabaho si Angel upang matulungan ang kasintahan sa paghahanda para sa kanilang kasal. “Siguro kailangan ko na rin magdahan-dahan kasi kailangan ko na rin  mag-prepare para sa kasal. ‘Yon na lang rin ang pakiusap sa akin ng fiancé ko na huwag ko siyang hayaan na mag-prepare mag-isa. So ayun lang naman,” pagtatapos ng dalaga. Reports from JCC

vuukle comment

KATHRYN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with