Anak ni Waray... napapagkamalang drama
SEEN SCENE (Pilipino Star Ngayon) - January 3, 2020 - 12:00am

SEEN: Ang imbitasyon ni Vice Ganda sa viewers ng It’s Showtime na panoorin ang The Mall, The Merrier dahil ito ang huling pagkakataon na makikita nila ang Harrison Plaza, ang mall sa Maynila na nagsara noong December 31, 2019. Kinunan sa Harrison Plaza ang lahat ng mga eksena ng pelikula nina Vice Ganda at Anne Curtis.

SCENE: Ang huwag maumpog ang kanyang boyfriend na si Ion Perez ang pabiro na sagot ni Vice Ganda nang tanungin tungkol sa kanyang New Year’s wish na isinulat niya sa sky lantern nang magbakasyon sila sa Taipei, Taiwan.

SEEN: Ang kuwento ni Vice Ganda na kasama nila ni Ion sa kanilang Taiwan trip si Ryan Bang at ang girlfriend nito. Tumanggi ang girlfriend ni Ryan na makunan ng litrato.

Scene: Naglaro kahapon sa Bawal Judgmental ng Eat Bulaga si Riza Faulkerson, ang 24-year old sister ni Alden Richards, na bahagi ng 28th birthday celebration ni Alden.

SEEN: As expected, hindi matanggap ng fans nina James Reid at Nadine Lustre ang balita na hiwalay na ang dalawa. As of presstime, hindi pa naglalabas ng statement sina James at Nadine tungkol sa rumored break up nila na trending news noong Miyerkules.

SCENE: Ang balita na magaganap sa May 2020 ang coronation night ng 1st Miss Universe Philippines.

SEEN: Mapapanood simula sa January 20, 2020 ang A Soldier’s Heart na pinagbibidahan ni Gerald Anderson at ipapalit ng ABS-CBN sa timeslot ng The Killer Bride ni Maja Salvador na magwawakas sa January 17, 2020.

SCENE: Comedy ang 1984 movie na Anak ni Waray vs Anak ni Biday pero sa teaser ng GMA-7, mapagkakamalan na drama series ang television series na tinatampukan nina Dina Bonnevie, Snooky Serna, Kate Valdez at Barbie Forteza na plano na ipalit sa Beautiful Justice.

VICE GANDA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with