^
Solenn isinabay sa putukan ang panganganak!
Nico and Solenn

Solenn isinabay sa putukan ang panganganak!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula (Pilipino Star Ngayon) - January 2, 2020 - 12:00am

Nakapanganak na ang Kapuso actress na si Solenn Heussaff sa kanilang baby girl. 

Sa IG post ni Solenn, pinangalanan ang first baby nila ni Nico Bolzico ng Thylane Katana.

“01.01.2020 Best way to welcome 2020. So inlove with you Thylane Katana.”

Nanganak siya via cesarean section at 3.1 kg ang baby.

Nung New Year’s eve ay nag-post na si Nico sa kanyang Instagram account na nasa St. Luke’s Hospital na sila dahil mukhang malapit na ang panganganak ni Solenn.

Nasa caption ng post niyang iyun; “Advance Happy New Year! Looks like we are spending it in an unexpected place this time! Waiting for #BabyBolz!

“Disclaimer: hopefully this is not #Wifezilla pranking me and going too far!”

Kamakailan lang kasi ay wagi ang pranking ni Solenn sa asawa na kung saan ay umarte itong pumutok na ang panubigan niya na sobrang ikinataranta ni Nico.

Nasa Facebook account ng Argentinian athlete ang buong video kung paano siya kumagat sa prank ni Solenn.

Sabi niya; “I knew that one day @solenn was going to get her revenge for all the times I pranked her, but I never expected to be today, in our 37thweek of pregnancy, our actual due date!

“I should be upset but instead I am proud! Well play my Padawan!

“Lesson learned: I am completely useless on times of emergency! Getting more prepared for when the actual day comes. Good boot camp training!”

Napaghandaan na ng mag-asawa ang panganganak ni Solenn, dahil ang cool na nila sa kuha nila sa loob ng hospital.

Congratulations sa New Year baby ng mag-asawang Nico at Solenn.

Aga at Alden naglalaban sa pagiging box-office king!

Masayang-masaya tiyak ang taga-Viva Films, lalo na si Aga Muhlach dahil

pumuwesto na sa number one topgrosser ang pelikula nilang Miracle in Cell No. 7.

Sa loob ng isang linggong showing ito sa mga sinehan, mahigit P200-M na ang kinita ng naturang pelikula, na ayon sa aming source, lumamang na ito ng halos sampung milyon sa The Mall, The Merrier nina Vice Ganda at Anne Curtis.

Sa pagkaalala ko lang, pitong taon na yatang namamayagpag sa number one slot ang pelikula ni Vice Ganda tuwing Metro Manila Film Festival.

Ngayon lang ito natalo ng isang tear-jerker movie ni Aga Muhlach.

Kaya patuloy na nagpapasalamat si Aga sa kanyang mga post sa kanyang Instagram account.

Nung kamakalawa lang ay ipinost niya ang kuha sa ilang sinehan na sold-out na ito. Pati mga positive feedback mula sa mga nakapanood na ng naturang pelikula.

Bahagi ng  caption nito; “As 2019 comes to an end, let me thank all of you for making ‘this miracle happen.

“Maraming-maraming salamat po sa inyong suporta at pagmamahal!!”

Bawing-bawi na ni Aga ang ilang pelikula niyang ipinalabas nung 2019 na hindi ganun kaganda ang performance sa takilya.

Sino kaya sa kanila ni Alden Richards ang tatanghaling Box-office King of 2019?

Congratulations sa lahat na involved sa Miracle in Cell No. 7 lalo na kay Aga!

Kahit hindi siya nagwaging best actor, dapat naman sigurong magpa-blowout party na siya ‘di ba?

SOLENN THYLANE KATANA WIFEZILLA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with