^

PSN Showbiz

Andrea makakaranas na ng aircon sa bahay, Seth bibigyan ng negosyo ang pamilya

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Malaki ang pasasalamat nina Andrea Brillantes at Seth Fedelin para sa lahat ng mga biyayang natanggap sa nagdaang taon. Para sa magkatambal sa tele­seryeng Kadenang Ginto ay unti-unti nang natutupad ngayon ang kanilang mga pinapangarap lamang noon. “Isa sa mga pangarap kaya ako nag-artista kasi gusto ko magkaroon na ka mi ng sariling bahay. Kaya nagpapasalamat ako na finally, ginagawa na nga­yon, hopefully matapos na siya. ‘Yon ang pinaka-blessing sa akin ngayon at siyempre ang Kadenang Ginto, hindi ko magagawa ang lahat ng ito kung hindi duma­ting ang Kadenang Ginto sa akin. Meron akong mga nakilalang tao, meron akong family, meron akong naging mga kaibigan na totoo. Marami akong mga bagay na natutunan. Mas alam ko na ngayon kung ano ang tama at kung ano ang mali,” pagbabahagi ni Andrea.

Para naman kay Seth ay talagang malaki ang nagawa ng naturang serye sa kanyang buhay. Hindi raw inakala ng baguhang aktor na magkakaroon pa siya ng career sa show business pagkatapos sumali sa Pinoy Big Brother. “Nagpapasalamat ako kasi unang-una, nabigyan ako ng mga taong nani­niwala sa akin. Akala ko kasi wala na akong babalikan after PBB. Pagkatapos ng PBB, ilang months akong nawala. Buti na lang po may mga tao na naniniwala sa akin na kaya ko. Nagpapasalamat ako sa mga taong isinakatuparan ‘yung mga blessings na ibinigay sa akin ng Panginoon. ‘Yung mga taong nagbigay sa akin ng ganito, tinupad nila ‘yung blessing ni God para sa akin,” nakangiting pahayag ni Seth.

Ngayong Bagong Taon ay may ilang mga bagay na gustong makamtan ang dalawa para sa sarili at para sa kanya-kanyang mga pamilya. Noong isang taon ay nabilhan na raw ni Seth ng isang motor ang ama. “Ako gusto ko ng bahay. Gusto ko magkanegosyo, gusto ko munang bigyan ang pamilya ko ng negosyo,” giit ng aktor.

Mula naman pagkabata ay hindi pa raw nakararanas si Andrea na magkaroon ng air conditioner sa bahay na tinitirhan kaya gusto ng aktres na maging malamig ang pinapagawang bahay. “Ngayon dahil ginagawa naman na po ‘yung bahay. Gusto ko ipa-aircon ko ‘yung buong bahay kasi never ko pa po ‘yon nararanasan na naka-aircon ‘yung buong bahay. Parang summer of 2019 ko lang naranasan na first time nagka-aircon kami ever. Gusto ko talaga ‘yung buong bahay naka-aircon, hindi na mainit. Gusto ko ring magkaroon ng business and gusto ko makapag-ipon. Gusto kong makatulong sa maraming taong nangangailangan,” paglalahad ng dalaga.

Bukod sa Kadenang Ginto ay napapanood din ang tambalan nina Andrea at Seth sa digital film na Wild Little Love sa iWant.ph. (Reports from JCC)

vuukle comment

ANDREA BRILLANTES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with