Awards walang epek sa mga sinehan!
ISYU AT BANAT - Ed de Leon (Pilipino Star Ngayon) - January 1, 2020 - 12:00am

Kung totoo ang sinasabi ng sources na hindi naman kasama sa board of jurors ng Metro Manila Film Festival, dahil wala namang official statement ang jury, na hindi nanalo ang pelikulang Miracle in Cell No. 7 dahil iyon ay hango sa isang Korean film, tila malabong paliwanag.

Ang unang malabo ay bakit kung may ganoon pala ang saloobin ng jury, nag-nominate pa sila ng mga artista mula sa pelikula? Sana wala na ring nomination, hindi pala considered eh.

Ikalawa, kung ayaw pala ng isang pelikulang batay o remake ng isang Korean film, sana ni-reject nila noong una pa. Sana hindi na nila pinapasok sa festival. Tinanggap na lang nila ang isang pelikulang may original material kagaya ng movie ni Nora Aunor.

Kagaya nga ng sinabi na namin, walang kailangang ipaliwanag ang mga hurado. Iyon ang desisyon nila eh, panindigan nila. Kung may nagsasabi man na hindi sila pabor sa desisyon, may magagawa ba naman sila? Wala rin eh.

May naging epekto ba ang awards sa box office standings ng pelikula? Sa tingin namin wala naman. Nadagdagan pa ang sinehan ng pelikula ni Aga Muhlach, at sinasabi sa ilang theater chains na tinalo niya ang sinasabing top grosser na pelikula ni Vice Ganda. Iyon namang mga nanalo ng awards, patuloy ang pagmamakaawa sa mga sinehan na huwag silang alisin, at hindi man alisin kailangan silang magmakaawa sa mga tao na panoorin naman ang pelikula nila.

Officially ang festival, dapat matapos iyan sa Enero 4. Pero may extention iyan. Ang masakit, sa Enero 8, pasok ang Star Wars, ibig sabihin, siguradong wiped out na ang lahat ng mga mahihinang pelikula. Saan pa ngayon sila mapapanood?

Gloria hindi na bagay magtrabaho 

Bumalik na si Gloria Romero sa kanyang ser­yeng Daig Ka Ng Lola Ko. Ilang taon na rin naman siya riyan bilang isang lola na mahilig magkuwento, kaya nang magkasakit ang aktres at kailangang magpahinga, palitan man siya ng iba, parang walang gana ang audience kasi nga ang role ay masyadong naging identified kay Gloria.

Hindi mo pa rin masasabing ok na ok na siya. Isipin naman ninyo 86 years old na siya. Iyan iyong edad na dapat nagpapahinga na talaga. Para huwag na siyang mahirapang masyado, ang naging desisyon nila ay gawin ang taping ng kanyang mga parte sa mismong bahay na lang niya. At least hindi na siya pupunta sa ibang location o sa studio.

Pagkatapos, ini-extend pa nila ang air play ng serye na noong una gusto na nilang itigil kasi nga hindi naman kinagat noong mawala si Gloria.

Daniel malas sa dyowa?!

Totoo ba ang tsismis, split na naman pala si Daniel Matsunaga sa kanyang girlfriend na si Karolina Pisarek,at ang lumabas pang dahilan sa isang European website, ang dahilan daw ay ang “infidelity ni Daniel”. May nahuli kayang ibang karelasyon si Daniel para makipag-split sa kanya si Karolina at isiping ang actor ay hindi nga puwede sa isang long distance relationship kagaya ng sa kanila?

Mabait naman si Daniel, pero bakit nga ba wala siyang nakakasundong girlfriend? Lagi na lang siyang iniiwan.

METRO MANILA FILM FESTIVAL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with