^

PSN Showbiz

Ricci hindi na nagka-girlfriend nang maglaro sa UAAP

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Ricci hindi na nagka-girlfriend nang maglaro sa UAAP
Ricci

Walang kasintahan ngayon ang basketbolista at aktor na si Ricci Rivero. Ayon sa binata ay matagal-tagal na rin siyang walang karelasyon. “Medyo matagal nang wala. Parang simula no’ng maglaro ako for UAAP, wala na rin. Choice ko din po. Kasi siguro it’s hard din naman to give your commitment, to commit yourself to a girl pero hindi mo talaga siya maipa-prioritize kasi busy din. So mahirap din ‘yon for her. For me baka magka-problem. Not my priority po talaga ang magka-girlfriend. But if ever simple lang naman ang gusto ko sa babae, ‘yung God fearing and family oriented. It doesn’t matter din kung showbiz siya or non-showbiz,” paglalahad ni Ricci.

May mga pagkakataon na ang mga babae pa raw ang mismong nagpaparamdam at nagpapakita ng motibo sa basketball player. “It’s something that I like. Parang ang bait-bait ko naman pero kailangan po talagang makontrol. Kasi if not, you have to think twice or thrice,” natatawang pahayag ng binata.

Ayon kay Ricci ay marami rin siyang natatanggap na indecent proposals mula sa ilang bading. “Yeah! meron, pero ako kasi sobrang dami ko talagang friends na nasa part ng LGBT and it’s not a big deal talaga. Sila kasi ‘yung sumusuporta din naman at nagpapaingay talaga especially sa iba’t ibang industry. Kailangan you have to deal with them also. May mga nagsabi na rin sa akin ng ganyan. Kung ano raw ang gusto ko ibibigay nila, but then, as long as kaya pa naman po why do I have to ask for help. Hindi eh,” pagtatapat niya.

Ethel hindi inasahang magbubuntis pa

Ika-pitong buwan na ngayon ang ipinagbubuntis ni Ethel Booba. Hindi raw inakala ng komedyana na mabibiyayaan pa sila ng anak ng kasintahang si Jessie Salazar. “Na-shock ako kasi wala talaga akong balak mag-baby. Kasi ang dami ko nang inaalagaan na pamangkin. Hindi ko na ini-expect na makakabuo ako. Sabi ko, okay lang na hindi ako magkaka-baby. Basta mapalaki ko lang ‘yung mga pamangkin ko, pero biglang dumating,” nakangiting kwento ni Ethel.

Noong una ay inilihim pa raw ng singer-actress sa kanyang pamilya ang tungkol sa pagbubuntis. Inaasahang babae ang magi­ging anak nina Ethel at Jessie sa darating na Pebrero. “Ayoko rin silang mag-worry, gusto ko nakakakilos din ako sa bahay. Ngayon nga eh no’ng nalaman nila ang O.A. na gusto nila nakahilata na lang ako lagi,” paliwanag niya.

Matatandaang inamin ni Ethel sa It’s Showtime ang tungkol sa kanyang pagdadalang-tao noong isang buwan lamang.

(Reports from JCC)

vuukle comment

RICCI RIVERO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with